Chapter One

6.3K 122 12
                                    

Chapter One

Ngumiti ako dito sa singkit na katabi ko sa bar stool. He smirked, mas lumapit pa ako at hinawakan ang braso nya.

"Araw araw ka sa gym?" I asked him.

"Twice a week." Sagot nya. "Drinks?"

"Anything." Tumango sya.

Matapos gawin noong bartender iyong alak ay nilapag nya iyon sa harapan ko.

"Have a taste, it last."

Tumaas ang kilay ko at sumimsim. Naghahalo ang tapang at tamis ng alak na iyon.

"You alone?"

"I'm with my friends." Bored kong sabi.

But the truth is, I don't know if they are still my friends. Simula ng huminto ako sa pag aaral ay miminsan ko nalang sila nakakasama. Graduation nila at eksaktong napadaan ako dito sa bar para mambiktima na naman. Kailangan ko kasi ng pera.

"Bakit nandito ka, kung kasama mo naman pala mga kaibigan mo?"

"Nabored ako. Puro pangarap ang pinag uusapan nila." Lumumbaba ako sa harapan nya.

"Ikaw? Ano bang pangarap mo?" Tanong nitong singkit.

"Wala." Simpleng sabi ko.

He chuckles, "That's imposible. Ngayon lang ako nakasalamuha ng taong walang pangarap."

"Bakit may pangarap ka ba?" Balik tanong ko.

"Gusto ko lang magkaroon ng sariling tattoo shop."

I made a face and drunk my alcohol. May lumapit na isang lalaki dito sa singkit kaya sinamantala ko nang hugutin ang wallet nya. Expert naman ako sa ganito, kaya sure akong hindi nya mararamdamang kinuha ko ito.

Inubos ko muna iyong alak na bigay nya bago umalis doon ng parang walang nangyari. I even flipped my hair and confidently walked.

Nagtago ako sa isang sasakyan doon at sinimulan ng kalkalin ang wallet na nakuha ko. Iba din, makapal ito. Una kong nakita ang mga id nya, at ang atm. Wiw. Kaso mahihirapan ako sa pin code nito. Kaya hinalungkat ko pa uli iyong wallet, puro one hundreds ang pera nya. Ano ba yan? Kaya makapal kasi puro one hundreds? Wala bang lilibuhin dito?

Shinubo Lausingco

Basa ko doon sa pangalan nya sa postal id nya. Gwapong gwapo nitong singkit na ito ah. Walang malalait eh.

Pero teka, Lausingco? Anak ng tekla! Anak mayaman to eh. Kilalang kilala ang Lausingco sa Metro Manila. Kita mo nga naman, Iara. Sinusuwerte ka ata ngayon.

"Pero Shinubo talaga pangalan nito? Ang bantot naman." Ngumiwi pa ako.

"Atleast gwapo."

I froze upon hearing that baritone voice. I looked up and saw him. Nakasandal sa sasakyan at aliw na nakatitig sa akin.

"Hey Miss, tingin ko nasayo wallet ko."

Hay naku, kala ko pa naman naka-jackpot na ako. Bulong bulong ko pa.

Lumapit sya sa akin at tumingin sa hawak ko.

"Ang gwapo ko no?" Aniya. I rolled my eyes. "Give me that back."

Labag man sa loob ko ay binigay ko sa kanya iyong wallet nya. Hinaplos nya iyong braso ko.

"Maganda ka nga, but looks can be decieving." Ngumisi pa sya. "Malas mo, Miss? Malakas pakiramdam ko kaya alam kong kinuha mo ang wallet ko. What are you? Callgirl? Pick up girl?"

"Ano bang pakialam mo?" Pagtataray ko pa.

Umiling iling sya. "Tss. Ingat ka, Miss."

Umismid ako at iniwan na sya doon. Tumawid ako at tumambay sa labas ng convinience store. I took my phone out, nakaw ko pa ito doon sa maarteng babae last week kaya may cellphone ko ngayon.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon