Chapter Seven

2.7K 83 10
                                    

Chapter Seven

Next day, casual sakin si James Michael. Hindi nya pinapatulan iyong mga panlalandi ko sa kanya, at naiinis ako. Parang kagabi lang kita ko namang apektado sya sa ginagawa ko pero ngayon? Why sudden change huh, James Michael?

Unfortunately, hindi kami natuloy sa Lucban kasi may biglaang meeting daw sila kaya imbes na mamayang gabi pa kami uuwi, napaaga ng after lunch.

"Jasper, pababa nalang ako jan sa may bus stop."

"Okay ka na dito?" Gray asked.

Tumango ako at sinakbit na iyong duffle bag ko.

"Yup. Thank you sa pag imbita sa akin ha." I kissed Riva and Sabelle's cheeks. "Next time nalang."

"Sa birthday ko, next month. Huwag kang mawawala ha." Pahabol pa ni Sabelle.

Huminto na iyong van sa may bus stop. Muli akong nagpaalam sa kanila bago bumaba.

"Ingat ka, Iara."

"I will. Thank youuu!"

Bago magsara ang pinto ay nahuli ko pa ang pagtitig ni James Michael. Kinibit balikat ko iyon at tumawid na. Bibili muna ako ng mga supplies ko sa bahay bago umuwi.

I was looking around the mini gro. Pagkatapos ay dinampot ko na iyong mga kakailanganin ko. Nahinto ang tangka kong pagkuha ng yogurt pack nang may narinig akong baritonong boses na iyon. Sumilip ako sa likod ko at nakitang galing iyon sa lalaking matangkad at nakasando plus shorts.

Doon sa braso ako agad nakatingin kasi ang muscle. Sarap maglambitin doon. Lumingon sya sa gawi ko kaya mabilis akong umiwas at umakto na hindi ko sya tinitingnan.

I continued what I'm doing. At nang matapos ay dumiretso ako sa counter para magbayad na. Nakita ko pa uli doon iyong lalaki na tinitingnan ko kanina, kaso pakiramdam ko namutla ako ng makita ko iyong kausap nya. Umiwas ako ng tingin at nanginig bigla.

"Ma'am, okay lang po kayo?"

"O-o-kay lang."

Pinagpapawisan na din ako at hinihiling ko na sana hindi ako napansin ni Yves Panganiban. Matagal na panahon na iyon pero iyong takot ko, nandon pa din.

"Ma'am, namumutla na po kayo."

Hindi ko pinansin iyong sinabi nung cashier sa akin. Naglabas ako ng dalawang libo at inabot sa kanya. Sa nanginginig na kamay ay nagawa kong buhatin iyong dalawang paper bag at walang lingong umalis doon.

"Ma'am! Sukli nyo po."

Dire diretso lang ako palabas. Kumurap kurap ako at tumawid na. Napaluha na din ako dala ng takot ko. At nang may humawak sa balikat ko, napasigaw na ako ng tuluyan.

"Iara, si Shinubo to."

"Ayoko syang makita. Ayoko na." Umiling iling pa ako. "Ayoko na. Sasaktan nya lang ako."

Sinapo ni Shinubo ang mukha ko at pinakalma ako.

"Anong nangyari? Nanginginig ka?"

"Shin.." mas lalo akong naiyak. Kinuha nya iyong paper bag at pinaupo ako sa tabi.

Alerto kong pinasadahan ng tingin kung nasan kami. Natatakot ako na baka makita ko si Yves dito.

"Iara?"

"Shin, uwi na tayo. Ayoko na dito."

"Kalmado ka na ba? Okay ka na. Namumutla ka."

Hinigit ko iyong braso nya. "Uwi na tayo."

"Okay okay. Halika na."

Tahimik ako nang inaayos ko na iyong mga pinamili ko. Nakatayo sa tabi ko si Shinubo at pinagmamasdan ako. Nandoon pa din iyong panginginig ko.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Where stories live. Discover now