Chapter Forty

3.1K 79 37
                                    

Chapter Forty

"If you still need money, don't hesitate to tell me, Iara." Ani Heaury.

"Babayaran kita ha. Salamat talaga."

"Take your time,"

Ginulo ni Heaury iyong buhok ko at ngumiti. Niyakap ko naman iyong braso nya.

"But Iara, can I asked you something?"

"Ano naman yun?"

"About James Michael."

Sinilid ko na iyong cheke at nilagay sa bag ko bago ako tumayo.

"May lalakadin pa pala ako. Salamat uli."

Mabilis na hinila ni Heaury iyong kamay ko para mahinto ako sa paglakad.

"Umiiwas?"

Umirap ako. "Pwede ba? Ayoko na muna pag usapan."

"Bakit?"

"Basta."

Heaury laughed and kissed my cheeks. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Iara," tawag nya uli noong palabas na ako ng opisina nya.

"Ano?"

"Ever heard about Sachzna and James Michael dating?"

"Ewan ko sayo."

He laughed at my reaction. Binalibag ko pasara iyong pinto ng opisina nya.

As of now, may sapat na pera na ako pambayad kay James Michael, sa totoo lang ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya. Kung galit sya, pwede bang magalit nalang sya sakin. Hindi iyong ganito, umaasa ang puso ko.

Di ako sigurado kung nasan sya kaya sinubukan kong magtanong kay Riva or kahit na sinong kaibigan nya. Thankfully, nagreply si Riva, aniya'y nasa isang beach resort daw si James Michael para sa isang shooting.

So I drag Shinubo. Inis na inis nga sya, bakit daw kailangan ko pa syang isama. Sa totoo lang wala akong lakas ng loob humarap kay James Michael. Simula nang kumalat ang eskandalo ko, di ko alam kung dapat ko pa bang iharap ang mukha ko sa kanya. Since, I am a damage person.

"Kung ako sayo lalapitan ko na yan. Tapos iaabot ko iyong pera." Bulong ng demonyo sa tabi ko.

"Ssh." Nilamutak ko iyong palad ko sa kanya. "Mamaya, maghintay ka nga jan. Or gusto mo maghanap ka muna ng babae jan."

"Tss."

Sumimsim ako sa juice ko at tumitig kay Sachzna na pinagsisilbihan si James Michael. Totoo nga iyong dating na sila? Eh ano ngayon?

"Masakit?" Bulong na naman ni Shinubo. Tumango ako. Tinakpan naman nya iyong mga mata ko. "Huwag mo nang titigan kasi mas lalong masakit."

"Bakit ganito?"

"Siguro pinagtagpo kayo pero hindi tinadhana." Kibit balikat nya pa.

Hinintay kong magkaroon ako ng pagkakataong harapin si James Michael. Siguro di na din nakatiis si Shin kasi sya na mismo ang humila sa akin sa mismong tent ni James Michael.

"Shin ano ba." Inis na bulong ko.

"Bilisan mo na, hintayin kita sa labas." tinanguhan nya si James Michael na nakatitig sa amin ngayon.

Tinulak pa ako ng bahagya ni Shin. I swallowed hard. Tumagilid naman ang ulo ni James Michael nang makalabas na si Shin.

"What do you want?"

"Babayaran ko lang iyong ginastos mo sa bahay namin. Ayoko lang magkaroon ng utang na loob, you know." Umakto akong cool pero sa loob loob ko, sobra na iyong kaba ng puso ko.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon