Chapter Thirty One

2.2K 60 19
                                    

Chapter Thirty One

Nagkanda sinok sinok na ako sa pag iwas sa titig ni Hayme. Hindi ko na nga nakausap ng ayos si Mr. Go, tapos hindi ko makita si Beverly sa paligid.

"Excuse me,"

Iniwan ko na si Mr. Go doon at dire diretso palabas ng hall room. Hinigpitan ko ang paghawak sa purse ko.

Pumasok ako sa restroom at kinalma ang sarili ko. Jusko naman, hindi kasi ako handa na makikita ko si Hayme dito.

Makailang buntong hininga ang ginawa ko bago ko inayos ang make up ko. Sinipat ko din ang suot kong backless black dress na aabot ang haba sa ibabaw ng tuhod ko. Inayos ko din iyong wig kong itim.

"Okay, kapag nakita ka ni Hayme. Just act normal." Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi bago ako nagpasyang lumabas na.

Kaso kakabukas ko palang ng pinto ay syang parang gusto ko nang isara iyon nang makita ko si Hayme na nakasandal sa dingding sa tapat ng cr. Napalunok na ako.

"Baby doll, what are you doing here? Hindi mo nabanggit sakin to."

Umayos ako ng tayo at hinarap ko sya.

"Ah, saglit.. Jowa ba kita para sabihin sayong pupunta ako sa ganitong event?" Ngumisi ako. "Aren't you surprised that I am here?"

"Beyond surprised. Hindi pa sana kita makikilala kundi ko lang nakita iyang tattoo mo sa gilid." Inisang higitan nya iyong wig ko kaya lumaylay iyong blue kong buhok. "And, don't wear wigs. You look even hotter in you blue hair."

Umismid ako. At inayos ang buhok ko na kumulot ang dulo.

"May raket kami dito."

"Anong raket?" Tanong nya.

Natigilan ako. Hala, saglit. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pick up girl ako ngayon. Lalong hindi ko sasabihin na escort. Hello, si Hayme itong kaharap ko. Ayokong sabihin sa kanya itong mga iba kong rakets.

"Baby doll.." aniya nang may paghaplos pa sa bukas kong likod.

"Pinadala kami dito ng boss namin sa Bachelor's Club in behalf of her." Sabi ko nalang, or should I say, pagsisinungaling ko.

Godness, Iara. Paniguradong hindi ka mapapatawad ni Hayme once na malaman nyang nagsinungaling ka sa kanya. Ano bang magagawa ko? Ayaw kong mag iba ang tingin nya sakin dahil sa mga pinapasok kong rakets.

"Hmm, okay. Since you are here, accompany me then."

"May mga kasama ako, Hayme."

Lumapit sya at inangat ang baba ko. Halos mahigit ko ang hininga ko nang maglapat ng mabilis iyong labi namin. Tae naman eh.

"Let's go.." he whispered huskily.

Hinapit nya ako sa baywang at sinabay sa paglalakad nya. Pagbalik namin sa event, lumapit kami agad sa isang table doon kung saan kasama nya ang mga pinsan nya. Umusbong agad ang hiya sa akin.

Iyong doctor ang unang bumaling sa amin. Afterwards he smirked.

"Kaya pala nawala," ani Pio na nakangiti na sakin. "We meet again, lady with the blue hair."

Tipid lamang akong ngumiti sa kanya. Hindi inalis ni Hayme ang braso nya sakin noong makaupo kami. Ilang na ilang na ako sa kantyawan nilang magpipinsan.

"Kung alam ko lang na may kasama ka, JM. Sana sinama ko si Vexy." Ani noong doctor.

"Unexpected ko lang na nakita si Iara dito."

Si Zild at Shinubo lang ang wala sa magpipinsan. Umirap ako, alam ko naman kung nasan si Zild, nakabuntot iyon kay Mayami.

My phone vibrated. Kinuha ko iyon sa loob ng purse ko.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Where stories live. Discover now