Chapter Seventeen

2.3K 61 8
                                    

Chapter Seventeen

"Madam, hindi ako pwede ng weekends. May date ako." Sabi ko agad nung makaupo ako sa tapat ni Madam.

"The client want you in weekends."

"Ay wit Madam. Nauna ang date ko sa weekends. Re-schedule nalang natin."

"Okay. Okay, wala naman akong magagawa."

Matapos namin mag usap ni Madam ay lumabas na ako para magserve sa mga costumer. Medyo madaming tao ngayon kaya yagyag kami.

Noong magkaroon ako ng break ay kakamustahin ko sana si Mayami sa bahay kaya lang ay nahinto ang pagtipa ko sa cellphone ko nang maalalang wala nga pala syang cellphone. Naku, paano ko kaya malalaman kung anong ginagawa nya ngayon?

Two days palang nung sumama sya sakin dito sa Makati. Gusto na nga agad nyang maghanap ng trabaho kaso pinigilan ko. Sabi ko pa ay kailangan nya muna ng lakas. Paunti unti ko pang kinukuha ang tiwala nya, hindi naman pala tanong si Mayami kaya nahihirapan akong mag-reach out sa kanya. Palagi ko din syang naaabutang gising ng gabi at tahimik na umiiyak sa lapag kung saan nya napiling matulog.

"May naghahanap sayo." Kinurap ko ang mata ko nang marinig kong sinabi iyon ni Bev.

"Sino?"

"Si Mr. Montecalvo. Wala naman kayong schedule diba?"

Binitbit ko ang tray at nilapitan si Heaury sa tinurong lamesa ni Bev. He immediately smiled upon seeing me.

"Mr. Montecalvo, what a surprise."

"Cut the formality, Iara. Nandito ako para kumustahin ka."

"Ayos naman na ako. Ikaw?" Tanong ko. "Anong order mo? Bawal tumambay dito, kailangan may order."

"One martini."

"Ang sosyal mo. Walang ganun dito." Umirap pa ako na kinatawa nya lang. "Red horse, nainom ka ba nun?"

"Anything you offer."

Dinalhan ko naman sya noon at sisig na pulutan, pagkatapos ay naupo ako sa harapan nya.

"You look sad. May problema?"

"Wala. Naisip ko lang si Mama. Tyaka pera syempre, kung kelan ako yayaman."

"Don't think too much, Iara. Kung kailangan mo ng tulong, don't hesitate to asked me."

"Sige nga, pautang ng five hundred thousand. Now na."

Mula sa secret pocket ng suot nyang coat ay nilabas nya ang makapal nyang cheke. Agad ko naman syang pinigilan.

"Oy! Ito naman. Nagbibiro lang ako."

"I thought you're serious." Kunot noo nyang sabi.

"Ah, syempre. Nagbibiro lang ako sa five hundred thousand. One million kailangan ko."

Walang dalawang isip na nagsulat sya sa cheke at inabot sa akin.

"May pirma na yan, ipresent mo nalang sa bangko."

"Seryoso ka ba, Heaury?"

"Mukha ba akong nagbibiro."

"Tange ka. Nagjojoke lang ako. Saiyo na ito, baka malugi pa kumpanya mo sakin."

"Take it. Tyaka mo nalang ako bayaran kapag kaya mo na. Pwede mong unti untiin."

"Heaury naman."

"Just take it."

Hinintay ni Heaury ang out ko at sinabay na ako pauwi. Makailang ulit ko ding binalik iyong cheke sa kanya kasi nagbibiro lang naman talaga ako. May sapat pa naman akong ipon tyaka may pera sa atm, iyong hindi ko pa ginagalaw.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Where stories live. Discover now