Chapter Three
"Pano ka tutulog nan? Walang kama." Ani Shinubo. Alas tres na ngayon at kakatapos ko lang maligo.
"Ang mahalaga, may apartment na ako."
"Pero dapat may gamit ka na. Bumili ka na kaya?"
Pumayawang ako sa harapan nya.
"Crush mo ba ako? Concern na concern ka sa kalagayan ko."
Humalukiphip sya. "Kaibigan kita, Iara."
Umakto akong nagulat sa sinabi nya. "Hindi ko alam na kaibigan pala turing mo sa akin." May paghawak pa ako sa dibdib ko.
Napailing sya. "Geez. Two years tayong nagkakausap ng ganito, hindi pala kaibigan ang turing mo sa akin?"
"Hindi. Akala ko kasi crush mo ako."
"Gaano kakapal ang mukha mo?"
Sinuklay ko ang buhok ko at ngumisi sa kanya.
"Sakto lang yan."
"Noong una kitang nakita, black kulay ng buhok mo. Then the next day, blue na?"
"May wig ako nung gabing iyon kasi mambibiktima nga ako. Di nila ako pwedeng makilala dahil blue iyong buhok ko. Understand?"
"Hihintayin kita magbihis. Sasamahan kita bumili ng mga gamit."
"Sapat lang iyong pera ko. Baka next week na ako bumili."
"Akong bahala." Aniya.
Tinitigan ko sya ng seryoso. "Hindi Shin, ayokong abusuhin iyong kabaitan mo."
"Kusang loob kong binibigay ito sayo."
Wala naman na akong nagawa kundi sumama kay Shinubo. Ayaw nya kasi paawat, isa pa, pagod na akong makipagtalo sa kanya. Since kaibigan daw nya ako, igagrab ko nalang ito.
He let me decide what I want. Simpleng single bed lang iyong pinili ko dahil ang mahal nya. Tapos mga unan at foam. Iyon lang ang hinayaan kong bilhin nya, pero kumuha pa sya ng isang rice cooker at stove.
"Shinubo, ang mahal nito."
"Kailangan mo ito, itago mo nalang iyong pera mo."
"Hindi. Babayaran kita, kapag nakaluwag na ako."
Tinagilid nya iyong ulo nya. "Kahit huwag na. Pa-welcome ko nalang ito."
"Pero..." nasapo ko iyong noo ko.
"Sold. Idedeliver na daw ngayon sa apartment mo iyon lahat, ny evening nandoon na iyon."
Bilang pambawi. Ako na nagbayad ng dinner namin, hindi ko na sya hinayaang magbayad.
"Dyan nalang po iyan, okay na."
True enough na dumating din agad iyong binili nya sa apartment ko. Nagpasalamat ako sa mga nagbuhat noong single bed.
"Okay na?" He asked.
Kakalabas ko lang ng kwarto. Nga pala, diretso lang iyong apartment. Hindi up and down.
"Okay na. Uy, salamat uli ha."
Pinisil nya iyong magkabilang pisngi ko.
"Nga pala, beer tayo? Pampaantok."
"Sige na nga."
Binitbit nya iyong apat na red horse, dinampot ko naman iyong take out namin kanina at giniya sya sa labas. Masarap kasi iyong simoy ng hangin ngayon. Pagbukas ko ng pinto ay halos matalapid ko sa mga paper bags na nakaharang doon sa daan.
YOU ARE READING
Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)
RomanceLausingco Series # 5 "They say before you start a war, you better know what you're fighting for."