Chapter Thirty Seven

2.3K 70 9
                                    

Chapter Thirty Seven

"At tama nga ang hinala natin. Sila na!" Sigaw pa ni Pio nang makalapit kami sa table nila.

Ngunit hindi ko nagawang suklian man lang ng ngiti iyon kasi nababahala ako sa presensya ni Jun Prado. Isa sya sa mga kinuhaan ko ng pera, iyong malaking kinuha ko. But I am hoping na sana hindi nya ako makilala. Siguro naman ako na noong gabing iyon ay walang bakas ng Iara sa akin.

"Baby doll?" Hayme caught my attention.

"Hmm?"

"You spaced out. Sabi ko upo na tayo." Humaplos sya sa mukha ko. "Are you okay? Gusto mo umuwi na tayo?"

"Hoy. Hindi ah. Nakakahiya, nandito na tayo."

"Okay, well stay. But are you okay?"

Tumango ako at ngumiti. "I'm okay. Upo na tayo."

Isa isa kaming binati ng mga pinsan nya. Mabilis ko ding pinasadahan ng tingin ang Lausingco Clan, wala si Shin.

"Sabi ko naman sayo, huwag kang papadala sa kakaibang mata ni JM." Umirap ng pabiro si Emsi sa akin.

Habang nagkakagulo ang mga pinsan nya, si Hayme ay prenteng nakasandal lang sa balikat ko.

"Papa. Punta lang po ako sa chocolate fountain." Isang cute na batang lalaki ang nakita kong lumapit kay Ej.

"Sure buddy. Where's Mama?"

Nilagay nung bata iyong hintuturo nya sa pagitan ng labi nya, "Ssh Papa. Huwag ka pong mag-english. Baka marinig po tayo ni Mama."

Ej chuckled and messed the hair of this cute little boy.

"Okay. Asan si Mama?"

"Nakita ko pong kausap nya iyong si Ms. Rocky."

"Alright. Punta ka na sa chocolate fountain, careful also."

Pabirong sumaludo iyong bata sa harapan ni Ej. Hindi ko naman mapigilang mapangiti.

"Anak mo?" Tanong ko na.

"Yeah."

"Ang cute. Pwede kong hiramin minsan?"

Umangat ang isang kilay ni Ej at binalingan si Hayme sa tabi ko.

"Pwede naman."

"Huwag mo nang hiramin. Gagawa nalang tayo ng atin." Ani Hayme. Mabilis kong tinakpan ang bibig nya.

Kumibit balikat si Ej. "Iyon naman pala."

"Awit giliw." Iiling iling kong sabi.

Tumayo si Ej at siguro pupuntahan iyong asawa nya. Nginitian ko si Vexy na nasa tabi ni Ramgiorel. Si Pio naman ay sinimulan nang kausapin si Hayme. Sumimsim ako sa tubig na nilapag nung waiter kanina.

"San nga pala si Shin?" Tanong ko kay Earl.

"Nandyan lang iyon sa tabi tabi."

Inuli ko ang ikot ng mata ko sa buong hall. Nasan kaya iyong singkit na yun?

The party started. Di ko masyadong naintindihan ang party pero siguro about lang sa mga business man at mga sosyal atang pamilya. Puro kasi kilalang apelyido ang nandito ngayon.

"Wash room lang ako." Bulong ko kay Hayme.

Napahigpit ang hawak nya sa balakang ko at umungol pa ang loko.

"Baby doll,"

"What? Wash room lang ako."

"Okay. Make it quick."

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Where stories live. Discover now