Chapter Twenty Six

2.2K 61 11
                                    

Chapter Twenty Six

Kinalas ko iyong braso nyang nakapulupot sa baywang ko at lumayo sa kanya. I flashed my fake smile at him.

"I'm here for vacation, James Michael."

Nagsalubong iyong kilay nya. Pinagpagan ko iyong balikat nya.

"Ayoko ng stress muna."

"I said I'm sorry for last week. Hindi ko alam na mag aaya si Ms. Rocky--"

"Sshh.." nilapat ko iyong daliri ko sa labi nya. "Hindi mo naman kailangang mag explain, Hayme. Hindi naman ako disappointed."

"But you we're avoiding me. You're not answering my calls. Tapos makikita kita dito."

Kumurap kurap ako. "Teka nga, bakit? Sa pagkakaalam ko hindi tayo, Hayme? Bakit parang ang demanding ata ng tono mo?"

Inis na hinilamos nya iyong palad nya sa mukha nya. Napailing ako, tinagilid ko pa iyong ulo ko habang pinagmamasdan sya.

"Hmm??"

"Ayoko lang magkagalit tayo dahil hindi kita sinipot last week."

"You know what, it's okay." I caress his face. "No biggie, Mr. Director. We're okay."

Matagal syang tumitig sa akin, tila ba may pilit syang binabasa sa akin. I smiled at him.

"JM."

Nilingon ko iyong tumawag sa kanya. At ako talaga ang lumingon? Ako na ba ngayon si Hayme?

"Oh, sorry. May kausap ka pala." It's Strawberry.

"Ah, hindi. Tapos na kami mag usap." I elbowed him. "Oy, tawag ka na ata."

"No. I'm sorry for disturbing," si Strawberry pa. "Hintayin ka nalang namin."

Hindi ko inalis iyong tingin ko sa kanya. Nagawa ko pa ngang sumimsim sa baso ko.

"Halika na, Strawberry." Aya nya kay Strawberry.

Pinakita nya pa talagang hinawakan nya iyong kamay ni Strawberry, pero kumibit balikat lang ako. Yan, tama nga yan, Iara. Hindi naman kayo, huwag kang umaktong girlfriend.

Pinokus ko ang atensyon ko kay Mayami pagkaalis ni Hayme. Ni hindi ko na nga sila tinapunan ng tingin. Tinipid ko ang alak sa baso ko habang tahimik na nakamasid kay Mayami na panay ang lagok sa alak at panaka ay humihikbi pa.

"I really hate him, Iara."

"Akala ko ba ayos ka na? Diba may closure na kayo?"

"Akala ko din. Ngayong nakikita ko sya ng malapitan at nakakausap, pakiramdam ko bumukas lahat ng sugat na ginamot ko ng ako lang."

"Maybe because after all those years bebe, you still have feelings for him.."

I let him purred his hatred while being drunk. Hindi ko alam kung nakita nya ba si Zild pero sa inaakto ni Mayami ngayon, for sure nagkausap sila.

"Pakilagyan pa nga ito ng laman." Sabi ko doon sa bartender.

Kunwari akong sumimssim uli sa baso ko habang pinapasadahan ng tingin ang paligid. Wala ng bakas ng mga Lausingco. Mabuti naman, masyadong malakas ang hatak nila.

Binalikan ko ang tingin ko kay Mayami kaso nakita ko syang naglalakad na palayo sakin.

"Mayami! Anak ng!" Tumayo ako at nag iwan ng isang libo sa counter.

Sumenyas ako kay Gerald at Ace Verdadero na susunduan ko lang si Mayami. Tumango naman si Gerald kaya dali dali akong sumunod kay Mayami. Malayo layo na mga iyong nalalakad nya.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Where stories live. Discover now