Chapter Four

3.4K 98 22
                                    

Chapter Four

Saktong five pm nagpack up ang lahat. Nagpasalamat lang sa akin si Charity bago ako lumabas ng tent nya.

"Candy, una na ako." Kaway ko kay Candy.

"Sige, mag iingat ka. Sa sabado sa cavite naman ang location."

"Okay." I said with my okay sign.

I fished out my phone and saw a text message from Joan.

Joan:
Bakla, kulit ng nanay mo ha. Sabi ko nga nagpakalayo layo ka na. Padalhan mo daw sya ng pera.

Ako:
Pasensya ka na, Joan. Bukas ko na sya papadalhan kamo.

Sunod ay si Shinubo naman ang tinext ko. Baka lang wala syang ginagawa, papasundo sana ako.

Ako:
San ka? Pasundo ako. Nasa may Maharlika Subdivision ako.

Umupo ako sa may waiting shed doon at hinintay ang reply ni Shinubo. Baka natutulog na naman ito. Sa paglingon ko sa gilid ay nakita kong may innova na black matte ang kulay na papalapit dito or dadaan lang?

Dumaan lang pala, kumibit balikat ako at tinext uli si Shinubo.

Singkit:
Papunta na. Demanding talaga nito.

Nakita ko sya uli sa shooting, pero busy sya kasi hindi ko sya nakitang napapagawi sa pwesto ko. I also heard that he's just a fresh graduate. Bagong direktor palang.

Sumunod na araw, madalang ang pagbo-volunteer ko sa mga photoshoots kaya nagfocus ako sa pagiging dance instructor. Nakakapagod kaso hindi pa din sapat iyong kinikita ko, lalo na't pinapadalhan ko pa si Mama sa Baguio ng pera nya.

Sealed pa din iyong atm card galing sa sponsor ko. At linggo linggo syang nagpapadala ng stock kaya kahit papaano nakakapag ipon ako. At iyong bayad sa upa ko ng buwan na ito ay binayaran na ng buo noong sponsor ko.

Nagpadala sya ng sulat na sinasabing mag aral na ako uli. Kaya nag inquire ako at nagtake ng exam, abot pa naman ako sa pasukan uli.

"Sigurado ka? Baka bawal ang may tattoo sa school nyo?" Tanong pa ni Shinubo.

Nandito kasi ako sa shop ng kaibigan nya at papatattoo ako sa kanya ngayon dito sa gilid ng katawan ko. Iyong buwan na nasa ibabaw ng dagat. I love moons.

"Oh di sa online na lang ako mag aaral. Ayokong paltan ng kulay ng buhok ko."

Umiling sya at sinimulan na ang paglapat ng karayom sa balat ko. Masakit at nakailang mura pa ako kay Shinubo, humihinto naman sya.

Dalawang oras ang tinagal ng pagtatattoo nya. So far, satisfied ako sa kinalabasan.

"Thank you for this, Shin."

"Anong thank you? Bayad mo."

"Tyaka na, kailangan ko kasi talagang mag ipon."

Tinapik nya ng konti iyon, napamura ako sa ginawa nya.

"Gago, masakit!"

"Joan texted me, luluwas daw sya ng manila at kikitain ang boyfriend nya."

"Oo nga, nag aayang kumain." Sagot ko pa habang sinisipat ang tattoo ko sa gilid. "Ang galing mo talaga. Turuan mo nga ako nan, pwede ko ding sideline yan."

"Bukas na bukas din para tigilan mo na pagiging pick up girl mo. Mapahamak ka pa jan."

Hinarap ko si Shinubo at ngumisi.

"Kras mo talaga ako no?"

"Kapal talaga ng mukha mo."

Humalakhak ako. Nagpaalam na din naman ako kay Shinubo at umuwi na. Matutulog na muna ako para mamaya pag nagtext si Joan, buhay ang dugo ko para magparty.

Angel With A Shotgun (Lausingco Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon