Dream 40

187 13 1
                                    

"Baka sipunin ka."

Naglahad ako ng towel kay Troye. Mabuti na lang at wala si Mama ngayon dahil bumisita naman siya sa isa niya pang kapatid.

"Zira."

Hinawakan ni Troye ang palapulsuhan ko.

"Thank you..."

I still saw pain in his eyes.

I caressed his face. "I'm sorry, Troye."

"I love you." He kissed my forehead.

"I love you too." I smiled at him. "Magpalit ka na muna, magluluto lang ako ng dinner natin."

Pinahiram ko muna siya ng damit ni Kuya Zion.

I'm preparing our food when I felt Troye's arms around my waist.

"I love you, baby..."

He whispered. I can't help but to smile.

"Mahal din kita, Troye."

Sumiksik pa siya sa leeg ko. "Please don't leave me again."

I took a deep breath. "Hindi ko na kayang ulitin 'yon, Troye." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Pero paano tayo? Ang sabi ni Saf ay malapit ka nang umalis, Troye?"

Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"No, Zira! I will never leave you."

Kumirot ang puso ko. "Troye, let's face the reality, lilisan ka at alam ko 'yon."

"Gagawa ako ng paraan, Zira. I'll do everything for us."

Hindi ko alam kung may magagawa bang paraan si Troye pero may tiwala ako sa kanya at alam kong hindi niya ako bibiguin.

"Anong trip niyong dalawa?"

Taas ang isang kilay na tanong ni Queen nang maabutan niya kaming naglalakad ni Troye papunta sa classroom.

I smiled at her. "Hindi ka ba masaya?"

She rolled her eyes. "Ewan ko sainyo! Lahat kami nila Kier ay broken-hearted sa nangyari pero mukhang pinagtitripan niyo lang kami."

"Bakit naman namin gagawin 'yon, Queen?" tanong ni Troye.

"Aba malay ko sainyo!"

Natawa na lang kami ni Troye.

Ganoon din ang reaksyon nila Josh nang makita kaming magkasama ni Troye nang lunch. Feeling nila ay pinagtitripan namin sila. Kung pwede nga lang sabihin ang dahilan ay nasabi ko na.

Absent ang professor namin sa second to the last subject namin. Tinatamad kami ni Queen na lumabas ng room dahil after an hour ay babalik rin naman kami dito kaya nagstay na lang kami. We're in the middle of chatting when someone covered my eyes.

"Sabing kabisado ko ang amoy mo," sabi ko sabay ngiti.

He chuckled.

Tinanggal niya ang nakatakip na mga kamay niya sa mata ko at umupo sa may desk ko.

"Wala kayong klase?" tanong ko.

Sila lang dalawa ni Kier ang magkasama.

Umiling siya. "Pinalabas kami ng room."

"Bakit?" Sinulyapan ko pa si Kier.

"Ito kasi! Nandamay pa!" singhal ni Kier kay Troye.

Nakita ko pang naningkit ang mga mata ni Troye kay Kier at tila sumesensyas na wag sabihin sa akin.

"Ano 'yon, Kier?" madiin na tanong ko.

"Sorry, bro! Mas nakakatakot si Zira."

Tumawa pa si Kier.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon