Prologue

536 16 0
                                    

"Don't do this to me, Dustin! Saan ba 'ko nagkulang? Saan?"

Humahagulhol na ako dito sa likod ng chapel ng St. Scholastica pero itong si Dustin ay mas malamig pa sa yelo.

"Ayoko na nga kasi Zira," malamig na sabi niya.

"Anong ayaw mo na, Dust? Ganoon na lang ba? Tatapusin natin ang apat na taon dahil ayaw mo na? Dustin, naman!" Pilit ko pa siyang inaabot pero lumalayo siya sa akin.

"E, sa ayaw ko na, Zira. I'm done with you. I'm done will all your dramas. I'm so fucking done with you."

Tinalikuran na ako ni Dustin.

"Dustin, please!" pagmamakaawa ko pa pero ang walang pusong lalaking iyon ay hindi na talaga ako nilingon.

Nanghihina ang mga tuhod ko kaya umupo ako sa may malaking bato na naroon.

My God, Dust! Ano bang nagawa ko para tratuhin mo akong basura?

Hindi ko lumubos maisip na pinapunta niya ako rito sa likod para lang makipagbreak sa akin. Hindi pa rin ako natitigil sa pag-iyak nang tumunog ang phone ko.

From: Queencel

Hoy! Saan ka? Lapit na next subject.

5 minutes na lang bago ang next subject namin at paano ako makakapasok nito gayong namumugto ang mga mata ko.

To: Queencel

Nasa likod ng chapel. Nakipagbreak sa akin si Dustin.

Wala pang ilang minuto ay nandito na si Queen.

"Anong nangyari?" natatarantang tanong niya.

Muli nanaman akong napahugulhol. "Ang gagong 'yon ay biglang nakipagbreak. At ang sabi niya pa ay pagod na siya sa mga drama ko pero mukhang totoo nga may babae siya na nag-aaral sa St. Celestine!"

Hinagod ni Queencel ang likod ko. "Gago talaga siya! At sino ba siya sa inaakala niya?"

Naririnig ko na rin ang paghikbi ni Queen.

"Makakatagpo niya rin ang karma niya, Zi."

"Paano na ako ngayon? 4 years akong nabuhay na nanjan siya. 4 years akong dumepende sa kanya tapos bigla siyang mawawala nang ganito. I don't know what to do, Queen. Paano na ako?"

Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak.

"Ano ka ba, Zi! Nandito ako at kahit anong mangyari walang break up na mangyayari sa ating dalawa. I will stand by you forever. Hindi ikaw ang natalo kung hindi ang gagong Dustin na 'yon na ibinasura lang ang apat na taon niyo at ang babaeng minamahal siya nang sobra. Siya ang nawalan, Zi, at hindi ikaw."

Yumakap naman ako kay Queen. "Thanks for being there always."

Hindi kami pumasok ni Queen sa mga sumunod na subject namin at kahit hindi nag-iinom ay sinamahan pa rin ako ni Queen dito sa bahay, wala ang parents ko kaya okay lang na mag-inom ako rito.

"Ang feeling talaga niyang Dustin na 'yan. Ang ganda ganda mo na, iniwan ka pa?"

"Wala naman kasi sa ganda 'yan. Maybe I'm not really good enough."

Nakakadalawang bote na ako ng beer.

"Shut up, Zira Rafaela Trinidad! You are more than enough, girl! Hindi lang talaga marunong makuntento ang leche mong ex-boyfriend!"

Parang dinudurog lalo ang puso ko kapag naririnig kong ex-boyfriend ko na lang si Dustin.

I love him so much and I'm beyond ready to spend the rest of my life with him. We're starting to plan our future. He's the man of my dreams.

"You'll get over him."

"Paano?"

"Basta! Malay mo mapanaginipan mo 'yong totoong para sa'yo tapos paggising mo nakamove on ka na pala kay Dustin. O, di'ba bongga?"

Umangat naman ang sulok ng labi ko.

"Ewan ko sa'yo, Queencel. Nagpasundo ka na ba kay Papa mo?"

Tumango naman siya. "Si Ian na lang daw ang susundo."

Nang dumating na ang sundo ni Queen ay nagpasya na rin akong matulog. Nakatatlong bote na rin naman ako ng beer.

May nakatalikod na lalaki sa hindi kalayuan. Nakatanaw siya sa kalmadong dagat.

Kumunot ang noo ko dahil hindi pamilyar sa akin ang pigura ng lalaking iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Excuse me?"

Unti-unti naman siyang lumingon.

He's handsome and looks so manly.

"Who are you?" kuryosong tanong ko.

"I'm Zaivier." He smiled.

Natulala ako sa mga ngiti niya. There is something mysterious about him.

"I'm Zira."

Tumango tango naman siya.

He reached for my hands. At sa pagkakahawak niya ay tila nakuryente ako.

Hinihingal ako mula nang magising ako sa panaginip ko.

I checked the time.

It's just 3:00am.

Malinaw sa akin ang panaginip ko maliban sa mukha noong lalaking nasa panaginip ko.

Ang weird naman ng panaginip ko.

Parang nag-eecho naman sa utak ko ang pangalan niya.

"Zaivier...."

Mahinang sabi ko.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now