Dream 23

112 11 1
                                    

Tahimik lang sila Mama at Papa. Binigyan naman ako ng makahulugang tingin ni Mama.

I took a sigh. Inalalayan naman ako ni Papa papasok sa loob.

"You were fighting over Troye?" tanong ni Mama.

"He's unbelievable, Mama."

Tumabi sa akin si Papa. "If I were Gio, magseselos din ako kay Troye."

Nilingon ko naman si Papa at nginusuan.

"It's obvious that Troye is special to you," aniya.

"Siyempre, Pa! Troye is my friend kaya talagang special siya sa akin."

"He's special to you in other way," sabi pa ni Mama.

I took a deep breath. "Edi sana po ay si Troye na lang ang ginawa kong boyfriend."

"Bakit nga ba hindi?"

Natigilan ako sa tanong ni Papa.

"Bakit mo ba pinapahirapan ang puso mo? Si Gio?"

Hindi maalis alis sa isipan ko ang mga tanong ni Papa. Mukha bang mas gusto ko si Gio kesa kay Troye? Wait! Do I like Troye?

Napasabunot pa ako sa sarili kong buhok. I've never been this confused in my whole life. I'm so fucked up!

"What's bothering you?" tanong ni Zaivier.

I shook my head. "I don't know, Zaiv."

Totoong hindi ko alam kung anong bumabagabag sa akin pero nasisiguro ko na meron. Mayroon akong hindi maipaliwanag.

"Magbabangka tayo mamaya," sabi niya sabay ngiti.

Tipid naman akong ngumiti.

"Zira, come on! Tell me what's the problem?"

I caressed his face. "I seriously don't know, Zaiv. I just feel something that I can't even explain."

"Are you going to leave me?"

Sumilay ang sakit sa mga mata niya.

"Of course not! Hindi pa ako nasisiraan para gawin 'yon."

"Do you like someone else? May iba bang lalaking gumugulo sa isip mo?" He clenched his jaw.

I smiled. "I'm all yours, Zaiv."

Nagising ako na mabigat ang loob ko. Hindi ko matandaan kung ano ang laman ng panaginip ko. I reached for my phone.

To Gio:
I'm sorry. Let's talk tomorrow, Zaiv.

Agad naman siyang nagreply.

From: Gio
Can't sleep. I'm thinking about you, about us.

Nakaramdam naman ako ng lungkot. Kaya ba mabigat ang pakiramdam ko nang magising ay dahil nag-away kami ngayon ni Gio? I feel bad.

Kinabukasan ay iyak ako nang iyak dahil ang sakit ng sprained leg ko and I guess I have no choice but not to play.

"Zira."

Natataranta si Gio nang pumasok siya sa kwarto ko. Nasabi na ata nila Mama.

Nafufrustrate ako.

"Hindi na ako makakalaro. Huling araw pa naman bukas ng sports fest." I faked a smile.

Niyakap niya ako. "You're still great. Bawi ka na lang next year."

"Wala naman akong ibang choice."

Hinaplos niya ang buhok ko. "I'm sorry kung dumagdag pa ako sa mga iniisip mo."

Inescapable Dream (Inescapable #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon