Dream 22

116 12 5
                                    

Sobrang preoccupied ko ngayon at natatakot ako na baka makaapekto pa 'to sa paglalaro ko.

"Zira, tara na."

Tawag sa akin ni Eleanor. Tumango naman ako at sumunod na papuntang gymnasium.

Nilibot ko agad ang mga mata ko nang nasa loob na kami ng gymnasium.

Nasaan sila Queen? Manonood kaya sila ng game ko?

Nang magsimula ang game ay nakahinga ako nang maluwag na kahit papano ay hindi ko na naiisip si Troye o 'yong reaksyon niya kanina nang malaman niya na boyfriend ko na si Gio. Pero kapag lumalabas ako ng court para magpahinga ay parati kong nililibot ang mga mata ko para hanapin kung nasaan sila nakapwesto.

Baka naman nagpunta na sila sa Hideout? Pero nagsabi ako na sasama ako. Hindi kaya ayaw na ni Troye na makasama ako?

Sa pag-iisip ko ay nawala ako sa concentration at natumba ako.

"Ouch!" sigaw ko nang mamilipit ako sa sakit.

Mukhang may sprain pa ako.

"Zira."

Agad na lumapit sa akin ang nag-aalalang si Gio.

"Excuse me lang po," sabi ng medic tsaka ako binuhat at dinala sa clinic. Ngiwing ngiwi ako sa sakit ng binti ko.

Ngumuso ako nang sabihin ng doctor na hindi muna ako pwedeng maglaro hanggang bukas. Kahit na sprain at hindi naman malala ang nangyari sa akin ay kailangan ko pa rin ipahinga dahil pwedeng lalong lumala kapag pinuwersa ko.

"Zira!"

Alalang alala sa akin si Queen pero sinabihan ko na agad siya na wag na siyang magdrama. Last year kasi noong nasprain din ako sa practice ay kung humagulhol 'tong si Queen ay parang mamamatay na ako.

"Akala ko ay hindi kayo nanood ng game," sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Pwede ba naman 'yon?"

"Hindi ko kayo nakita, e."

"Nasa may dulo kasi kami. Naubusan kami ng pwesto sa gitna, e. Nag-aalala sa'yo si Troye." Ngumisi pa siya tsaka pinabasa sa akin ang text ni Troye.

From Troye:
Kumusta si Zira, Queen? Malala ba? Umiiyak ba siya? Sobrang sakit ba ng binti niya? How is she? Please update me. Thank you.

Nakagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na mapangiti.

"Ang landi mo!" Nangingiti pa si Queen.

"Pakisabi na maayos lang ako para hindi na siya mag-alala, Queen."

Tumango naman si Queen. Nagpaalam na siya nang makabalik na si Gio. Nagpaalam na rin si Queen na pupunta na sila sa Hideout. Nakakainggit naman.

" 'Di ba game niyo na?" tanong ko kay Gio.

Malungkot naman siyang tumango. "Ayokong iwan ka rito mag-isa."

I smiled. "Okay lang din ako."

"Dalawa pa game namin ngayon. Can you wait?"

Umiling naman ako. "Sorry, Gio. Can I go home? Gusto ko na rin kasi magpahinga."

"Zira. Paano? Hindi kita maihahatid ngayon."

"Ihatid mo na lang ako sa gate tapos magpapasundo ako kay Papa."

Hindi siya sang-ayon pero pinilit ko siya. Alam kong gusto niyang maglaro. Nakiusap pa nga siya na rito muna ako sa clinic kaya lang ayoko. Gusto ko na rin kasi magpahinga sa bahay.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now