Dream 29

118 10 6
                                    

Alas nuebe kami nakarating sa bahay nila Eiron. Nasa pinakadulo pa ang bahay nila Eiron kung saan nag-iisa lang ito at may farm din sila.

"Ang laki ng lupain nila."

Namamangha na sabi ni Queen.

Hindi naman sobrang laki 'yong bahay nila Eiron pero napakalawak nga ng lupain nila.

"Sinong nandito?" tanong ko kay Eiron.

"Si Ate Cecilia lang, iyong kasambahay namin. Nasa Japan ngayon ang parents ko kasama 'yong bunso kong kapatid."

Tumango naman ako.

Mukhang pinaghandaan talaga ang pagpunta namin dahil ang daming pagkain na nakahain sa mesa.

"Akala ko pa naman ay makikilala ko na ang parents niya," bulong pa sa akin ni Queen. Napailing na lang ako.

"Lagi ba kayong naghahanda kapag fiesta?" si Queen.

Tumango naman si Eiron. "Marami kasing kakain na mga farmers dito mamaya."

Hindi na muna kami kumain dahil medyo busog pa naman kaya hinatid muna kami ni Eiron sa magiging kwarto namin. Hihintayin na lang din namin sina Kier para sabay sabay na.

"Sabihin niyo lang kapag may kailangan kayo, nasa kabilang kwarto lang kami. Magpahinga muna kayo."

Tumango naman kami pareho sa sinabi ni Eiron. May Queen size bed, may cabinet din kung saan namin nilagay ang mga bag namin.

"Tara, tignan natin 'yong c.r.!"

Excited na sabi ni Queen.

Manghang mangha siya dahil kahit guest room  lang ay may sariling bathtub dito pero ang nakapagpamangha sa akin ay ang napakarefreshing na tanawin. Hinawi namin ni Queen ang blackout curtain at tumambad sa amin ang magandang farm nila Eiron.

"Ang sarap naman tumira rito," komento pa ni Queen.

I agree. Sa lugar na 'to ay makakahanap ka ng peace of mind. Pangarap ko rin kasi na magkaroon ng property sa isang isolated na lugar. Iyong bahay ko lang ang nakatayo at 'yong tipong mabibingi ka sa katahimikan.

Nagpalit na kami ng damit ni Queen at naghihintay na lang kami sa katok ni Eiron kapag nanjan na sina Kier para sabay sabay na kaming kumain. At dahil sa napuyat ako ay hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako.

Nagising ako nang may tumatapik sa akin. Pagmulat ng mga mata ko ay nagtama ang mga mata namin ni Troye. Nasa likod lang siya ni Eiron, si Eiron ang gumigising sa amin habang si Troye ay nakakrus ang mga braso at mukhang inip na inip na.

Napabalikwas ako at tinulungan ko si Eiron na gisingin ang tulog mantika na si Queen.

"Susunod na lang kami."

Tumango naman si Eiron tapos ay lumabas na sila. Inayos lang namin ang mga itsura namin tapos ay bumaba na kami.

"Mga sleeping beauties,"  sabi ni Kier sabay ngisi.

Nangiti na lang kami pareho ni Queen.

"Alas sais pa ang bukas ng perya kaya after we've done eating I can give you a tour sa may farm. Is it okay with you?"

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now