Dream 18

120 11 3
                                    

"Mama, naman!"

Angal ko nang sabihin ni Mama na tulungan ko raw si Troye dahil naiihi.

"Sige na, tutulungan mo lang naman. Bibili kami ng papa mo ng makakain."

Ngumuso ako. "Hindi mo ba talaga kaya?" inis na tanong ko.

"Bali ang braso ko." Inangat niya ang kanang braso niya. "Pero kakayanin ko na lang."

At nangongonsenya pa.

"Bakit ka ba kasi nakapantalon?" tanong ko. Nag-init pa ang pisngi ko nang hawakan ko ang butones ng pantalon niya.

"Nakakailang ang ospital gown."

Nahihirapan din ako sa pagtanggal ng butones ng pantalon niya.

"You're shaking kaya lalo tayong nagtatagal."

Rinig ko ang pang-aasar sa boses niya.

"Shut up!"

Hindi ko na nga siya matignan dahil sa hiya ko.

Nakayuko ako habang tinatanggal ang butones ng pantalon niya at nasa ganoong pwesto kami nang may pumasok.

"Oh, My God!"

Nataranta naman ako at umayos sa pagkakatayo. Tumambad sa amin ang isang maganda na babae. Nakakasilaw ang kaputian niya, itim na itim ang buhok at mukha siyang anghel.

"We're not doing anything," pagiging defensive ko.

"Istorbo," sabi pa ni Troye kaya sinapok ko siya.

The girl crossed her arms in front of Troye. "Siguro naman ay madadala ka na?"

Umangat ang sulok ng labi ni Troye tsaka bumaling sa akin. "This is Zira."

Pagpapakilala niya sakin.

"Zira, this is Safrea, my cousin."

Naglahad ng kamay sa akin ang pinsan ni Troye. "Hi, Zira! It's nice to see you. You're so pretty."

Inabot ko naman ang nakalahad na kamay niya. "Me too. Ikaw  rin, ang ganda mo."

Humagikhik naman si Safrea.

"Ano bang ginagawa mo rito, Saf?" iritadong tanong ni Troye.

"Napakasungit mo talaga! Ikaw na nga 'tong dinalaw ko. Nanggaling pa ako ng Maynila."

Ngumuso naman si Saf. She's pretty and cute at the same time.

Bumalik sina Mama at may dala silang pagkain. Kumain lang kami tapos ay nagpaalam na kina Troye.

"Thank you po ulit, Tita, Tito and Zira!" sabi ni Troye.

Tumango naman ako. "No worries."

"Bye, Zira, bye po!" sabi naman ni Saf.

Pagkauwi namin ay nakatulog agad ako.

"Zira, wake up."

Dahan-dahan kong kinusot ang mga mata ko. Ang gwapong mukha ni Zaivier ang tumambad sakin.

"Hmm?"

He smiled. "Kakain na tayo. Napasarap ang tulog mo, ah?"

Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga.

"Ang sarap dito, e."

Sa veranda ng rest house ako natulog. Kanina lang ay nagkukwentuhan kami ni Zaiv pero dinalaw ako bigla ng antok.

"Zaiv, bakit kaya inabandona 'tong rest house?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Hindi kaya dahil masyadong malayo?"

Inescapable Dream (Inescapable #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon