Dream 2

260 11 1
                                    

Maaga ulit akong umalis ngayon. Hindi pa rin alam nila Mama at Papa ang tungkol sa paghihiwalay namin ni Dustin at magtataka sila kapag sa bahay ako nagbreakfast.

Nang makarating ako sa St. Scholastica ay dumerecho ako sa cafeteria. Paggising ko kaninang umaga ay hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman ko. Siguro ay nakatulong din sa pagmomove on ko ang malaman ang totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Dustin.

Paupo na sana ako sa isang vacant seat nang matanaw ko si Troye sa hindi kalayuan.

"Hi!" bati ko tsaka inilapag ang tray na hawak ko.

Tumango naman siya.

"Lagi ka bang ganyan?" tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Ano?"

"Suplado. Ang suplado mo." Napairap pa ako.

"Iyon ba ang tingin mo sa akin?"

Tumango naman ako. "Oo! Ngumingiti ka ba?"

"Syempre naman." Umiling-iling naman siya.

"Ngumingiti ka nga,"sabi ko nang mapansin na nangingiti siya.

Napansin kong tapos na siyang kumain habang wala pa sa kalahati ang nakakain ko.

"Okay lang kung aalis ka na. Matagal kasi talaga kong kumain."

"It's okay. Mamaya pa rin naman ang klase ko."

"E, bakit ba ang aga mo pumasok?" tanong ko.

"May gusto kasi akong sabayan magbreakfast."

"Uyyyy! Sino 'yan?" panunukso ko.

Umiling naman siya.

"Damot!" Napanguso naman ako.

"Ang saya mo ngayon, ah? Hindi halatang iniwan ka." He smirked.

"Alis ka na nga! Pinapamukha mo pa talaga na iniwan ako!" naiinis na sabi ko.

"You know what? You're better than your ex-boyfriend's new girl."

"Ano Myan pampalubag loob?"

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala."

Sabi niya tsaka ibinaling ang mga mata sa phone niya.

May girlfriend kaya 'tong mokong na 'to? Oo sobrang gwapo at ang hot niya pero nuknukan ng kasupladohan.

Hinintay talaga ni Troye na matapos ako sa pagkain tapos ay inihatid niya ako sa room.

"Trinidad kayo ba ni Lacosta?" tanong ng isa kong kaklase.

Kumunot naman ang noo ko. "Lacosta?"

"Maang-maangan, girl? Iyong naghatid sa'yo."

Napakabitch talaga nitong Daina na 'to.

So Lacosta pala ang apelyido ni Troye.

"Ano sumagot ka?"

Naningkit ang mga bilugang mata ko. Mukhang may crush 'tong bruha na 'to kay Troye, ah?

"Kung oo? Ano naman sa'yo?"

Nakita ko kung paano lumaki at mangilid ang mga luha niya.

"Napakalandi mo! Kakabreak niyo lang ni Dustin."

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now