Dream 28

109 10 5
                                    

Nagpaalam na kami ni Queen sa kanila dahil malapit na magsimula ang klase namin.

"Sama kayo sa Montecarlos, ah?"

Pag-uulit ni Josh ng tungkol sa nalalapit na pagpunta nila sa Montecarlos.

"Oo naman!" excited na sabi ni Queen.

"Hindi ako sasama sa Montecarlos, Queen," sabi ko nang makalayo na kami sa kanila.

Natigilan naman si Queen. "Ha? Bakit?"

"Alam mo naman 'yong dahilan."

Napabuntong hininga pa ako.

"Pinayagan lang ako kasi kasama ka Zira."

Lumungkot ang mukha niya.

Namilog naman ang mga mata ko. "Hindi ko pa naman naconfirm na sasama ako, ah?"

"Noong sinabi kong kasama ka ay pinayagan ako pero ngayon na hindi ka pala sasama ay hindi na rin ako makakasama."

Lungkot na lungkot ang mukha niya palibhasa ay gustong gusto niyang sumama.

"'Di ko naman alam na dadating kayo sa ganyan," dagdag niya pa.

Sa hallway na nadaanan namin ay nandoon si Troye. Tulad noong nakita ko siya sa bakanteng classroom sa Engineering building ay ganoon na ganoon ang itsura niya ngayon, nakaupo habang nakapikit at nakapalsak ang earphones sa magkabilang tenga niya.

"Bilis," mahinang sabi ko kay Queen.

Baka mamaya ay dumilat pa 'yan si Troye at magtama pa ang mga mata namin.

"See? Just like you ay determinado rin umiwas si Troye kaya sige na, sama ka na."

Napailing na lang ako. Wala akong ibang nagawa kung hindi ay pumayag na sumama. Paano ay halos maguho na ang mundo nitong si Queen at hindi niya ako tinitigilan.

"Gaga! Namiss ko rin 'to!" sabi ni Queen nang makasakay na kami ng tricycle pauwi. Hindi ko na rin matandaan iyong huling beses na nagkasabay kaming dalawa umuwi at nagcommute lang.

"Paano kung hindi na kayo maayos ni Gio?" tanong ni Queen.

Nilingon ko siya. "Bakit naman hindi?"

"Maraming pwedeng mangyari ngayong cool off kayo, paano kung ayaw niya na sa'yo?"

I took a sigh. "Wala akong magagawa kung ganoon, alam ko rin naman sa sarili ko na hindi ako worth it para kay Gio."

"Edi may chance na para sainyo ni Troye?"

Umiling ako. "Parang uhaw na uhaw naman ako sa lalaki."

Natawa naman si Queen. "Maganda lang talaga."

I rolled my eyes.

"Pero hindi nga? Wala pa rin?"

Tumango ako. "Hahayaan ko na muna ang mga bagay bagay tungkol sa amin ni Troye, paubaya na lang natin sa tadhana."

"Tadhana? Really? Naniniwala ka na jan?"

"May nabasa akong qoute and it says," I paused.

"If two hearts are meant for each other, fate will bring them togetherness no matter how far they are or how impossible it seems."

"Naniniwala ka na nga," sabi ni Queen sabay iling.

Nadatnan ko si Mama sa terraces habang umiinom ng tea.

"Si Gio?"

I took a sigh. "Cool off muna kami, Ma."

Ngumiti sa akin si Mama. "I guess that's what you really need, Zira."

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now