Dream 15

139 9 0
                                    

"Are you kidding me?"

Para akong nanghina sa isiniwalat ni Gio.

He shook his head. "I'm also dreaming about you, Zira. I can cleerly see you in my dreams and I still remember you when I'm awake. Sa isang Isla, hindi ba? We were there. Just the two of us. Pero ang mga detalye sa pangyayari sa panaginip na 'yon ay ang siyang hindi ko maalala."

Nangilid ang mga luha ko at niyakap ko si Gio.

"I'm looking forward for this day, iyong makikilala ko si Zaivier, iyong malalaman ko na totoo siya at mapapasalamatan 'cause he healed my wounded heart. Thank you, Zaivier."

Agad kong pinalis ang tumulong luha sa mga mata ko.

"Ngayon lang din ako nagkaroon ng lakas na sabihin sa'yo 'to, Zira. At ngayon ay sobrang saya ko."

Bumitaw ako mula sa pagkakayakap.

"Pero bakit nga pala Zaivier?" tanong ko.

He took a sigh. "Hindi mo ako kilala pero alam kong magkakilala tayo sa totoong buhay, Zira. You even confessed to me before. Sinubukan ko kung hindi mo talaga ako naalala, that's why I used a fake name pero nagtuloy tuloy ang panaginip ko at hindi mo ako tinatawag sa totoong pangalan ko."

"Hindi ko talaga maalala ang kahit na ano tungkol sa lalaking nasa panaginip ko." Bumuntong hininga ako.

He reached for my hands. "But now you know who's Zaivier is. It's me, Zira."

Ngumiti ako. "This thing is so unexplainable, how can we have a dream like that? It's creeping me out."

"Let's just enjoy it, wala namang ginagawang masama ang mga panaginip na 'yon sa atin."

Tumango ako kay Gio at ngumiti.

Now I finally meet Zaivier pero hindi ako sobrang saya sa tulad ng inaasahan ko? Siguro ay never ko kasi talagang inexpect na kilala ko pala si Zaivier.

"See you in my dream?" tanong ko kay Gio.

Nasa tapat na kami ng bahay namin.

He smiled. "See you, Zira. I'll pick you up tomorrow."

"Okay, Zaivier," sabi ko sabay tawa.

Natawa naman siya. "It's kinda weird."

Nakahiga na ako sa kama ko at tulala sa ceilings. Gio is Zavier? Zaivier is Gio. Masaya naman ako pero hindi sobra. Hindi ko pa ata naabsorb na siya si Zaivier? Pero kahit na ang mahalaga ay alam ko na kung sino si Zaivier. Sayang nga lang at hindi naaalala ni Gio ang scenes sa mga panaginip namin.

Panay ang paghampas ko sa dibdib ni Zaivier.

"Nakakainis ka!"

Iyak ako nang iyak. Nakatulog na ako sa kakahintay sa kanya.

"Hush now, Zira. I'm here." Hinila ako ni Zaivier para yakapin.

"Nandito na ako and I will never leave you again, I'm sorry."

"Where have you been?"

Namamaos na ang boses ko dahil kanina pa ako iyak nang iyak.

"Sa kabilang Isla, namamangka ako para mangisda tapos nasira ang bangka ko at sa pinakamalapit na Isla ako tumigil para ayusin ang bangka ko. I'm sorry ginawa ko ang lahat para matapos agad ang pag-aayos but I failed."

"I'm scared."

He took a sigh. "I'm scared too, Zira."

Sa gabing ito ay maikli lang ang panaginip ko kay Zaivier, maybe because I already knew his in reality. Kinuha ko ang phone ko at nagsent ng message kay Gio.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now