Dream 3

200 10 0
                                    

Katulad kahapon ay maaga rin akong pumasok ngayon. Bukas ay sasabihin ko na kina Mama na wala na kami ni Dustin para naman hindi ko na kailangan pumasok ng maaga at para sa bahay na 'ko magbreakfast at ng makatipid na rin ako.

Hindi ako sanay na hindi nag-aagahan kaya naman pagkarating ko sa St. Scholastica ay dumerecho agad ako sa cafeteria. At tulad kahapon ay nadatnan ko ulit si Troye na mag-isang kumakain.

"Good morning!" bati ko.

Nag-angat naman siya ng tingin. At nagulat ako nang kahit papano ay ngumiti siya.

"Morning."

"Aga mo ulit, ah? Nasaan nga pala 'yong gusto mong sabayan mag-agahan?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya. Mukhang ayaw niyang pag-usapan kung sino man 'yon. Nabasted kaya siya? Impossible!

"Order lang ako, ah?"

Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Troye.

"Ako na. Ano bang gusto mo?"

"Wag na-"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang tignan ako nangg matalim ni Troye.

"Sige na nga ikaw na. Two cup of fried rice and cheesy bacon with sunny side up egg. Ang takaw ko," nahihiya pang sabi ko.

Ngumisi naman siya tsaka umalis. Tinawag ko pa siya para ibigay ang bayad ko kaya lang ay muli nanaman niya akong tinignan nang matalim.

O, edi okay. Nakatipid ako ngayong araw.

"Thanks," sabi ko.

Napanguso naman ako nang makitang nakatitig sa tray ng pagkain ko si Troye.

"Hoy! Hindi ako matakaw, ah! Heavy meal lang talaga ang kinakain ko kapag breakfast," depensa ko.

"Wala naman akong sinasabi." Nangingising siya.

"Bukas sasabihin ko na kina Mama na wala na kami ni Dustin para naman hindi ko na kailangan umalis ng maag," sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin. "Hindi ka na magbebreakfast dito?"

Kunot noong tanong niya.

Umiling naman ako. "Mukhang hindi na. Lagi namang nagluluto ng breakfast si Mama tsaka para makatipid na rin."

"I'll pay for your breakfast everyday just join me here every breakfast. Malungkot kumain mag-isa."

Medyo nalungkot ako sa sinabi ni Troye. Mukhang nabasted nga siya ng gusto niyang sabayan kumain.

"Sa bahay niyo?"

"Mag-isa lang ako na nandito sa Montreal."

Kumunot naman ang noo ko. "Your parents?"

He clenched his jaw. "Wala na sila."

"I'm sorry."

Tumango lang siya.

I feel bad for him. Kaya siguro ganyan na lang siya kasungit.

Ngumiti naman ako. "Sige, sabay na tayo laging magbreakfast pero wag mo na bayaran 'yong breakfast ko."

Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at nagtuloy tuloy lang sa pagkain. Minsan talaga ang sarap ding kausap nito ni Troye. Ganoon na ba kahirap magsabi ng okay o hindi kaya tumango man lang.

Hay! Intindihin mo na lang, Zira, may pinagdadaanan 'yong tao, e.

Katulad kahapon ay hinatid ulit ako ni Troye sa room kaya lalong napapraning si Daina.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon