Dream 26

129 10 5
                                    

Nang mag-Lunes ay masaya ako dahil makakapasok na ako sa school. Masakit pa ang binti ko pero nailalakad ko naman na, 'yon nga lang ay iika ika ako pero at least makakapasok ako.

Pagpasok palang sa gate ay marami ang bumabati sa akin. Hindi kasi ako nakapunta kahapon para sa celebration ng mga pagkapanalo ng St. Scholastica.

Hinatid ako ni Gio hanggang sa classroom ko.

"See you mamayang lunch," sabi niya at humalik sa noo ko.

Ngumiti naman ako. Kalat na ang relasyon namin dahil sa bukod kay Dustin, Troye at Shaneya, may mga ibang studyante rin na nakarinig ng sinabi ni Gio na girlfriend niya ako.

"Nandito na 'yong bida."

Hindi ko na lang pinansin si Daina.

"Napakaepal talaga niyang ni Daina!" nanggagalaiting sabi ni Queen.

"Hayaan mo na. 'Di ba, nga? Hindi na natin papatulan ang mga hindi naman natin kalebel."

Ngumisi naman siya. "Sabagay."

Mas nagseryoso kami ngayon sa pag-aaral ni Queen. Pareho kaming scholars at hindi pwede na may grado kami na bababa sa 1.50, yes! 1.50 since full scholarship ang nagrant sa amin.

"Zira, sabay ako sainyo ni Gio maglunch, ah?"

Kumunot ang noo ko. "Nag-away nanaman ba kayo ni Eiron?"

"Hindi, ah! Namimiss lang kita kasabay tsaka hindi naman kami nag-aaway ni Eiron. 'Yong mga issue ko wala naman sa kanya iyon."

Nailing na lang ako.

"Queen," mahinang tawag ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya sa akin.

"Si Troye kumusta nga pala?" nag-aalangan pa na tanong ko.

Imbis na sagutin ay nginisian lang ako ni Queen tapos ay bumaling na ulit sa professor namin.

Masama na ba magtanong?

Nang maglunch ay naeexcite na kinakabahan akong pumunta sa cafeteria. Sinundo ulit ako ni Gio sa classroom ko.

"Gio, hindi mo muna masosolo si Zira, ah? Qouta ka naman na, e!" sabi pa ni Queen.

Natawa naman si Gio. Siniko ko pa si Queen dahil halatang medyo may pagka-irita ang pagkakasabi niya noon.

Nang makapasok kami sa loob ng cafeteria ay hindi ko na iginala pa ang mga mata ko kaya lang ay mukhang nantitrip talaga ang tadhana.

"Queen, Zira!"

Sa pagsigaw ni Kier ay naagaw niya ang atensyon ko at nilingon ko siya. Sa partikular na table ay nandoon siya, nakita ko pang nakangisi siya.

Mukhang ang saya mo Troye, ah? Masaya ka pa kahit nag-iiwasan na tayo? Sabagay! Nagpost pa nga ng ganoong qoute, e.

Ipinilig ko ang ulo ko para malihis ang iniisip ko. Pero kung talagang nang-aasar ang tadhana pwes asar na asar na ako! Doon ba naman pumwesto si Gio sa likod lang ng pwesto nila Troye. Hindi ako makapagprotesta dahil malamang issue nanaman 'yon.

"Zira, kumusta ang sprain mo?" tanong ni Josh.

Naiwan kami ni Queen dito dahil si Gio ang umorder ng pagkain namin.

Pilit naman akong ngumiti. "Okay naman. Bumubuti na ang lagay."

Hindi ako makatingin ng ayos dahil katabi niya si Troye. Kinakabahan ako na baka magtama ang mga mata namin.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now