Dream 21

110 11 2
                                    

Nagtext ako kay Queen para itanong kung nasaan sila dahil sasama ako sa kanila. Nagmadali akong magpalit ng damit tapos ay lumabas na ako sa HQ.

"Zira."

Nilingon ko si Shaneya.

She smiled. "Nice game nga pala."

Tumango lang ako tsaka akmang aalis na nang muli niya akong tawagin.

"Nagmamadali ka?"

Muli akong tumango tapos ay tuluyan na akong umalis.

Hindi pa ba halatang nagmamadali ako? At kung sakaling hindi ako nagmamadali ay hindi pa ba halata na ayaw kitang makausap?

Dito rin pala ang punta ni Shaneya. Bakit hindi ko naisip 'yon? Kasama nga pala nila Queen si Therese kaya malamang ay dito rin pupunta nitong si Shaneya.

"Nice game, Zira! Ang galing mo! Grabe!" papuri pa ni Josh.

"Crush na ata kita, e," hirit niya pa.

Ngumiti naman ako. "Baliw ka!"

Pasimple ko pang tinignan si Troye pero wala siyang ekspresyon.

Nagyaya sila na kumain kami ng mga street foods kaya lang ay hindi tulad sa St. Scholastica ay wala masyadong nagtitinda rito sa labas ng St. Celestine. Mas high class kasi ang mga tao dito, e.

"Sa Montreal Park madami 'yan for sure, game kayo?"

Sumang-ayon naman kami sa suhestiyon ni Kier.

Excited naman ako nang makita ang mga kwek kwek. Nakakamiss rin kumain nito. Dahil sa gabi na ako nakakauwi ay hindi ko na naaabutan ang mga bilihan ng street food sa labas ng university.

"Sure ka bang 'yan ang kakainin mo? Katatapos lang game niyo kaya malamang bukod sa pagod ay gutom ka rin."

Nag-angat ako ng tingin sa sinabi ni Troye.

"O-"

Naputol ang sinasabi ko nang magsalita si Shaneya.

"I'm fine with this, Troye."

Tumango naman si Troye sa kanya. Nakakahiya! Hindi naman pala ako ang kinakausap ni Troye. Nagtama ang mga mata namin ni Queen at umiling iling siya. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko.

Nang makabalik kami sa St. Celestine ay nagpaalam na ako sa kanila dahil hinihintay na ako ni Gio. Sumulyap pa ako kay Troye na ngayon ay abalang nakikipag-usap kay Shaneya.

"Sige. Alis na ako," pagpapaalam ko ulit.

Hindi ko nakuha ang atensyon ni Troye.

"Hey, Zi!

Sinalubong ako ni Gio nang matanaw niya akong papasok sa gymnasium.

"May last game pa kami. Can you wait for me?"

Tumango naman ako. "I'll watch you."

Lumaki naman ang ngiti niya.

Doon ako pinaupo ni Gio sa likod ng bench nila.

"Ang galing talaga ni Salvatore."

"Kung sakaling manalo ang St. Scholastica ay panigurado na siya ang MVP."

"Magaling na sa basketball tapos matalino pa, dean's lister kaya siya sa course nila."

Rinig kong usapan sa likod.

Marami talagang dahilan para magustuhan mo ang isang Gio Salvatore. Bukod sa physical appearance at mga skills niya ay napaka-gentleman niya. Maswerte ako na siya ang boyfriend ko.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now