Dream 19

112 11 4
                                    

"Sure ka bang okay lang sa'yo maglakad?"

Muling tanong sa akin ni Troye.

Tumango naman ako. "Mas safe kesa sumakay sa motor mo."

Napailing naman siya.

Tahimik lang kami pareho habang binabaybay ang daan na tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag.

Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ang kamay ni Troye sa palapulsuhan ko at hindi rin nagtagal ay nakahawak na sa kamay ko.

"Let's stay like this until we've reached your home."

Hindi na ako kumontra pa. Kahit naman halos isigaw na ng utak ko na hilahin ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ay hindi ko magawa.

I guess I don't want to disappoint him.

"Paano ka pala pag-uwi?" tanong ko.

"Susunduin ako ni Saf."

Tumango ako. Hindi ako sigurado kung nakikita ba ako ni Troye. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi ka ba natatakot?" he asked.

Umiling ako. "Maliwanag naman ang buwan at isa pa." Nakagat ko pa ang ibabang labi ko. "Kasama naman kita."

Damn! Saan ako humugot ng lakas para sabihin iyon?

He chuckled.

Napangiti rin ako.

Halos 20 minutes din kaming naglakad hanggang sa makarating sa bahay namin.

"Pasok ka muna."

Umiling naman siya. "Hindi na. Malapit na raw si Saf."

"Sure ka?"

Tumango naman siya. "Pumasok ka na sa loob."

Ako naman ang umiling. "I'll wait until Saf arrives."

Halos mga tatlong minuto ay dumating na si Saf sakay ng isang puting Subaru.

"Hi, Zira!" bati niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanya at kumaway. "Hello, Saf!"

Bumaling ako kay Troye. "Ingat kayo."

He smiled. "You go inside."

Tumango naman ako tsaka pumasok na. Halos mapunit naman ang labi ko sa laki ng pagkakangiti ko nang makapasok na ako sa bahay namin.

"Hindi pa kita nakikitang ganyan ngumiti kapag si Gio ang naghahatid sa'yo."

May nakakalokong tingin pa si Mama.

"Mama, naman!" nahihiyang sabi ko.

"Bakit ba hindi mo na lang patigilin si Gio sa panliligaw sa'yo kung si Troye naman ang gusto mo? Bakit hindi mo na lang sagutin si Troye?"

Umiling naman ako. "I like Gio, Ma. I'm just confused right now at isa pa, hindi naman nanliligaw sa akin si Troye."

Ngumisi si Mama. "Paano kung manligaw?"

"Mama! Gusto ko po si Gio."

"Hindi 'yan ang nakikita ko, Zira Rafaela."

Inescapable Dream (Inescapable #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon