Dream 39

131 13 1
                                    

Troye

It's been 5 years since the Deity of Women sent me back here to pay the price of my sins in my past life. Sa una kong buhay ay ginawa kong laruan ang mga babae. Anong magagawa ko kung isinusuko nila ang sarili nila sa akin? At ngayon ay nagkaroon ako ng bagong buhay, mas bata at hindi man kasing yaman ng una kong buhay ay at least maganda pa rin ang tayo ko ngayon at hindi ko sasayangin ang pangalawang buhay na 'to.

Don't fall for anyone.

Iyan ang nag-iisa at napakaimportanteng rule para magstay at mamuhay ako nang matagal. Sawa na 'ko sa mga babae kaya hindi ko na kailangan ng sino mang babae ngayon.

"Ano na, Saf? See? Limang taon na pero hindi ko pa rin natatanggap ang parusa ko. Sinabi ko na sainyo na hindi na ako magmamahal, kung sa unang buhay ko nga ay wala akong minahal-"

"Pinaglaruan lang kaya maghintay ka ng parusa mo."

Umirap pa si Saf.

Kasalukuyan siyang nagmamaneho at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ang sabi niya ay ililipat na raw niya ako ng lugar kung saan talaga siya nakatira.

Unti-unti nang nagiging berde ang paligid, puro puno at wala na ring mga kabahayan.

"Nasaang probinsya tayo?"

"Basta! Wag ka na lang maingay jan!" naiiritang sabi ni Saf. "

"Alam mo, Saf, para kayong naghihintay na pumuti ang uwak." Umirap pa ako.

Welcome To Montreal

"Montreal?"

"Inasikaso ko na ang paglipat mo sa St. Scholastica. Doon ka na mag-aaral, Troye." 

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

May kinuha siya at inilahad sa akin. "O!"

Muling kumunot ang noo ko nang tignan ko ang babaeng nasa picture. "

Sino 'to? Tingin niyo ito na 'yong makakapagparusa sa akin?" Tumawa ako. "Mas maraming magaganda at sexy na babae na akong nakita sa Maynila pero walang effect tapos bibigyan niyo 'ko ng mukhang bata?"

"Shut up, Troye!"

Kung hindi lang nagdadrive itong si Saf ay malamang nasapak na ako nito.

"Si Shaneya Altamirano 'yan, Deity Aria sent her also here para pigilan kang makuha ang kaparusahan mo."

Umangat ang isang kilay ko. "Akala ko ba ay gustong gusto niya na akong maparusahan?"

"Kapag napigilan ka ni Shaneya ay mamumuhay ulit siya ng normal dito at hindi niya na kailangan lumisan."

Tumango naman ako. "Maswerte ang babaeng 'to dahil ako ang binigay sa kanya ng Deity niyo."

"Wag kang magsalita ng tapos, Troye. Kapag nahanap mo ang katapat mo ay katapusan mo na."

"I will never let that happen."

She smiled. "Let's see, Troye. Let's see."

Sa isang malaking bahay kami tumigil ni Saf. Dito siya tumutuloy tuwing may mga mission siya.

"Iyong Shaneya? Saan siya nakatira?" tanong ko.

"Sa magulang niya, naaksidente si Shaneya at nacomatose ng ilang buwan. Gumaling siya sa tulong ni Deity Aria pero sa ngayon ay temporary lang ang pagstay niya. She should fulfill her mission para makuha niya ang pangalawang buhay na gusto niya."

Tumango na lang ako tsaka nagpahinga na sa kwartong ibinigay sa akin ni Safrea. Kinabukasan ay dinala naman ako ni Saf sa tinatawag niyang Hideout. Sa pinakababa nitong maliit na bahay ay may kwarto at sa loob noon ay may pintuan papunta sa lugar ng Deity of Women.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon