Dream 4

183 10 0
                                    

Weeks had passed at parati na kaming sabay ni Troye magbreakfast pero kahit ganoon ay masungit pa rin siya sa akin. At hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin si Zaivier.

"Hindi kaya siya na 'yong destiny mo?"

Kinikilig pa na sabi ni Queen matapos kong ikwento sa kanya ang mga tungkol sa panaginip ko, ang tungkol kay Zaivier.

Kahit kelan talaga ang hilig magpapaniwala nito ni Queen sa destiny, soulmate, happy ever after. Feeling niya ang buhay ay isang fairytale.

"Destiny destiny ka jan!"

"Pero, Zi, si Zaivier anong itsura niya? Gwapo ba? Feeling ko gwapo, e. Kasi hindi ka naman mahilig sa alam mo na." Tumawa pa siya.

Natigilan naman ako at sinubukang alalahanin ang mukha ni Zaivier.

"Bakit, Zi? Pangit ba?"

Gulat na tanong ni Queen.

"I can't remember, Queen. Sa tuwing nagigising ako ay hindi ko maalala ang mukha niya pero sigurado akong sa panaginip ko ay malinaw ang itsura ni Zaivier. Maging ang bulto niya ay hindi ko na matandaan ngayong gising ako."

"Girls!"

Napaigtad kami pareho ni Queen sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ng grupo nila Troye. Kasalukuyan kasi kaming nandito sa garden dahil walang klase ngayon kasi may meeting ang mga professor.

"Bakit parang ang seryoso niyo masyado?"

Kunot noong tanong ni Eiron.

"Ito kasing si Zira, napapanaginipan ata 'yong soulmate niya."

Pinandilatan ko naman si Queen. Napakadaldal talaga ng babaeng 'to.

"Sino?" tanong ni Kier.

"Ewan ko dito. Ano ngang pangalan noon?"

Umiling ako. "Wala 'yon."

"Wala raw, e magdadalawang linggo mo nang napapanaginipan ang lalaking 'yon na hindi mo matandaan ang itsura kapag gising ka."

"Halos dalawang linggo na?" tanong ni Troye.

Tumango naman ako.

"Pero wala lang siguro 'yon."

"Ang weird naman ng panaginip mo," sabi pa ni Kier.

"Ang weird talaga!" pag-sang ayon ko.

"Gusto niyo ba sumama?" tanong naman ni Josh.

"Saan?" excited na tanong ni Queen.

"Sa Hideout sa may sentro," si Vince.

"Sure kayo sasama natin sila?"

Halatang nag-aalinlangan si Eiron.

"Sige, sama kami!" si Queen na ang nagdesisyon para sa akin. Napailing na lang ako.

"Ang hilig niyong magkakaibigan sa motor," sabi ko pa kay Troye nang makarating kami sa parking lot ay lahat sila ay motor.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now