Dream (Special Chapter)

132 5 7
                                    

4 years later

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko tsaka tiningala ang napakatayog na building na nasa harap  ko. Hindi ito ang unang beses ko rito sa Maynila pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa taas ng mga building rito.

Dream Finder Corporate Plaza

"Good morning po!" bati ko sa security receptionist nitong building.

"Good morning, ma'am! Saan po ang punta niyo?"

"Ah! Sa 15th floor po, kay Ms. Pamela Ordones."

"ID na lang po then confirm ko po 'yong appointment niyo sa kanya."

Agad ko namang inabot ang ID ko.

"Okay na, ma'am. This way to elevator."

"Salamat!" sabi ko tsaka nagtungo na papunta sa elevator.

Nanlalamig ang pawis ko.

Today is my final interview for the position of Finance Analyst.

"Ms. Zira Rafaela Trinidad?"

Agad akong tumayo nang tawagin ako ni Ms. Pamela Ordones.

I smiled." Good morning, Ms. Ordones!"

"Good morning, Ms. Trinidad! Please follow me."

Sumunod ako sa kanya papunta sa isang kwarto na sa tingin ko ay ang opisina niya.

"You are very impressive, Ms. Trinidad," sabi ni Ms. Ordones sabay ngiti matapos ang interview niya sa akin.

Nangiti rin ako sa sinabi niya. "Thank you po, Ms. Ordones!"

Sa wakas at kahit papano ay nabawasan ang kaba at panlalamig ko dahil sa sinabi niya.

"So let me congratulate you."

Namilog ang mga mata ko at gusto kong magtitili pero mabuti na lang ay naikalma ko ang sarili ko.

"Is it mean-"

Pinutol ni Ms. Ordones ang sinasabi ko. "You're hired, Ms. Trinidad. Welcome to Dream Finder!"

"Thank you po!"

Walang masidlan ang tuwa na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na makakapasok ako sa ganito kalaking kompanya. Naglakas loob lang akong makipagsapalaran dito sa Maynilan dala ang lakas ng loob at dalawang taon na experience ko mula sa dati kong trabaho sa hindi kalakihang kompanya sa Monte Vista.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsasayaw dahil sa tuwa nang makapasok ako sa loob ng elevator. Agad kong inilabas ang phone ko at nagtipa ng text sa taong sobrang believe sa kakayahan ko.

To: Babe
Tapos na ang interview ko :)

Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko kahit hanggang ngayon na nakalabas na ako sa building. Lalo pang lumawak ang ngiti ko nang matanaw ko na ang kulay puting Nissan Terra.

Agad akong pumasok sa loob ng passenger seat nang tumigil ang Terra sa harap ko at hindi na hinayaan pang pagbuksan ako ng pinakabest boyfriend sa buong mundo.

"Babe!"

Naghihisterikal ako.

"I'm not surprised if you're hired, babe."

Tumango naman ako. "I'm hired, babe!"

Nagsimula na ring mamuo ang mga luha ko dahil sa tuwa.

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now