CHAPTER 27 : Luna

103 27 6
                                    

HANS

Simula ng naging pag-uusap namin kahapon ay pansin ko ang panghihinahon ng bunganga nina Gerald at Danzel. Maging si Andrei ay hindi ko na rin masyadong napansin ang pambu-bully sa iba—o baka naman dahil hindi kami magkaklase kaya hindi ko lang napapansin.

“Pansin ko,” ukit sa ‘kin ni Ana habang mayroong nagre-report sa unahan. “Parang wala ako masyadong narinig na pang-aasar ni Gerald maghapon. Ikaw ba?”

“Ewan. Baka nilalagnat lang,” sagot ko na lang. Ayaw ko nang pahabain ang usapan tungkol sa kaniya o maging kay Danzel at Andrei. Baka kasi kung ano lang ang lumabas sa bibig ko. Nangako pa man din ako sa sarili na less bashing na dapat ako.

“’Di ko sure ha. Para naman kasing kahit may lagnat ‘yan hindi ‘yan titigil sa pambubulahaw niya,” puna pa ni Ana.

“Hayaan mo na siya. Sino bang may pake sa existence niya?” padulas kong tugon. Kahit pa kasi nakipag-ayos siya sa ‘kin ay hindi ko pa rin maalis lahat ng markang naibigay niya sa buo kong pagkatao. He’s nothing but a scar that I will keep on bearing kasi hindi na ‘yon maaalis diyan.

Natapos ang huling klase nang walang kaguluhang ipinapakana sina Gerald at Danzel. Walang ginagawang pagpapabibo. Walang ginagawang pagpapapansin.

Isa pang bagay na naganap maghapon ay ang patuloy na iwasan namin ni Ielle. Panay lang ang paglambara niya sa braso ni Louisse maghapon. Kita ko pa ang matalim na tingin sa ‘kin Ielle pago pa siya lumabas ng kuwadro. Sininghalan ko na lang ito.

Naiwan ako sa silid kasama si Glaiza at ang iba pang kaklaseng nakaatas ngayon sa paglilinis. Ako na ang nag-abalang maghilera ng mga nagulong bangko at magbura ng mga nakasulat sa pisara. Nang matapos ako ay lumapit sa ‘kin si Glaiza.

“Alam mo bang nagreklamo sa ‘kin kanina si Ielle tungkol sa ‘yo,” bungad niya sa ‘kin. Umigtad ang aking kilay sa aking nalaman.

“Paanong reklamo? Ano raw nagawa ko?” prangka kong tanong.

“Na kesyo nagka-jowa ka lang daw nakalimot ka na ng kaibigan. Ang sa kaniya lang daw naman ay ayos lang daw na magka-jowa pero sana balanced daw ang oras mo para sa kaibigan at para kay Allen,” siwalat niya sa ‘kin.

Nagpanting ang aking mga tainga sa kaniyang katuwiran. Kumunot ang aking noo at nagsalubong ang aking mga kilay.

So yun ba ang dahilan ng pagkainis niya sa ‘kin lately?

Ang tanging tugon ko na lang siguro para doon ay...

“What the fu—”

∞∞∞∞∞

“—Fudgee bar na tinubuan ng uod!”

Halata ang pagkayamot ni Allen sa tono ng kaniyang boses matapos kong maikuwento sa kaniya ang naisiwalat sa ‘kin ni Glaiza.

“Chill ka lang po,” pang-aalo ko.

“Nakakairita na talaga siya ha! Hindi pa ba siya nasiyahan sa ‘yo noong tatlong linggo ko kayong iniwasan? At saka kahapon, hindi naman kita kinulit kahapon habang nag-aasikaso ka ng requirements ‘di ba? Sa apartment na nga lang tayo nakapagkita. Tapos kanina, hindi tayo magkasamang mag-lunch ‘di ba? Anong punto niya?” sunod-sunod na ratrat ni Allen. Kakaiba kasing magalit ang lalaking ‘to. Parang nagra-rap.

At sadyang mahirap suyuin.

“Alam ko ‘yon kaya huminahon ka na, okay? Hindi naman niya ako ginugulo lately. Halos iniiwasan ko na nga rin siya e,” muling banat ko ng pang-aalo. He heaved a deep sigh.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now