CHAPTER 19 : Sugar, Spies, and Everything Nice

121 25 8
                                    

HANS

Noong inirekomenda sa ‘kin ni Allen ang app na ‘to, doon ako nagsimulang makita ang sarili ko and suddenly, I had that urge to change.

I am kind of a pleaser kasi but it made me realize that I don’t really have to please everybody. Hindi masama maging careful sa mga ginagawa o sinasabi natin pero kapag sobra tayong naging cautious sa mga sasabihin ng tao sa ‘tin, tayo rin ang nasasakal.

Yun din siguro yung dahilan kung bakit tayo, as person, nasasaktan at nahihirapang mag-cope up sa sarili natin mismo. Masyado kasi tayong nako-concern sa kung ano ang masasabi sa ‘tin ng ibang tao.

Iyan ang nakita kong problema sa sarili ko.

Allen once told me na kahit ang pinaka-cute, may basher. Kahit ang pinakamagaling, may basher. Kahit ang pinakamatalino, ang pinakamabait, ang pinakamapagmalasakit—lahat sila may basher. Ang katuwiran? Dahil kahit gumawa ka ng tama at mabuti, may mga taong ang trabaho ay ang humanap ng pagkakamali ng iba pang tao.

Allen made it possible for me to reflect on that. Sinabi pa niya na as long as I am doing the things I love to do kaakibat na ang pagiging tama nito, kailangan ko lang ‘yon ipagpatuloy dahil at the end of the day, it’s not about me and other people—it’s about being me and how I devote to it.

Miss na miss na miss na miss ko na siya. Akala ko ‘di niya ako matitiis pero here we are. Parang movie na ang ‘di namin pagpapansinan, now on its third week.

Simula talaga no’n ay halos may ‘Sad’ entry ako… at malapit na ang Valentine’s Day. Sa Friday na ‘yon. Tamang taga-‘sana all’ na lang siguro ako.

Siguro by that time, sisimulan ko na ring mag-move on.

∞∞∞∞∞

Tahimik lang akong naglalakad sa hallway papuntang classroom. Napaaga ang pagpasok ko ngayon. Ni hindi na ako nakapag-umagahan dahil wala na rin akong gana.

Pagpasok ko ng silid ay laking gulat ko nang madatnan doon si Ielle. Iilan-ilan pa lang naman ang tao sa loob ngunit nakakapanibago lang na makita ko doon si Ielle nang ganito kaagap. Madalas kasing last minute bago magsimula ang klase ‘yan dumating, pero minsan naman ay late talaga.

Sa ‘kin siya nakatingin nang pumasok ako ngunit hindi ko ‘yon pinansin. Dumiretso na ako sa aking upuan at doon inilapag ang aking gamit. May napansin akong papel sa mesa ng aking silyon. Kaagad ko naman itong kinuha at binuklat.

Sorry na :((
                 -Denielle

‘Yan ang nakasulat sa kapirasong papel na aking nadampot. Tumingin ako kay Ielle at mayro’ng pagbabakasakali sa kaniyang mga mata’t pagngiti. Iyon yata ang dahilan kung bakit maaga siyang pumasok ngayon.

Umismid ako at saka siya nilapitan.

“Alam mo namang pareho tayong dapat mag-sorry sa iisang tao ‘di ba?” pagkakasabi ko na mayro’ng gaan sa aking damdamin. Napawi ang ngiti sa kaniyang mga labi.

“Hali ka nga,” anyaya ko kasabay ng paglawak ng aking mga braso. Nagsimulang mamugto ang kaniyang mga mata bago tanggapin ang aking pagyakap.

Dala-dala ko sa aking puso ang mga pinagsamahan namin ni Ielle. Hindi ko na ‘yon bubuwagin nang dahil lang kay Allen. They’re different matters to deal with at sa abot ng aking makakaya, kailangan pareho ko silang mapanatili sa aking buhay.

∞∞∞∞∞

Sumapit ang tanghalian at balik sa normal ang pakikitungo namin ni Ielle sa isa’t isa. Dapat kami ang magkasamang kakain ngayon kasama si Louisse kaso mayro’n daw silang ensayo sa choir ngayon. Dahil doon ay yung tatlong babaita na naman ang aking kasama.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon