CHAPTER 10 : Hunyango

136 39 25
                                    

HANS

In a span of two months, marami nang nangyari.

Mas napalapit ako kina Glaiza, Zee, at Colette. Kapag wala si Allen, sila ang madalas kong nalalapitan o nakakausap. Si Ielle naman, nakahanap ng bagong kaibigan kay Louisse. Nalapit naman siya sa ‘kin constantly pero hindi na kasing-clingy ‘di tulad ng dati. Si Ana naman madalas nang mag-break down dahil sa total rejection sa kaniya ni Anthony. Umiyak pa siya sa ‘kin one time saying na parang ginamit lang siya ni Anthony; inalila, pinaglaruan, at ginawang tuta. Parang isang malaking malaking asteroid ang gumunaw sa mundo niya.

Speaking of Anthony, may kinakaibigan siyang taga-Fritz-Reyes Integrated. Maximo yata ang pangalan no’n. Doon din nagsimula ang balitang bading siya at pang-cover up niya lang daw si Glaiza. Sa ngayon, single na siya. Walang naikikuwento sa ‘kin si Glaiza about Anthony pero hindi ko na ‘yon inintindi. Kagaya nga ng palagi kong naririnig kay Allen, Ikabubuti ba ‘yan ng intestines ko?”

Speaking of Allen… well, he is what he is. Lately napagtatanto kong ang suwerte ko at dumating siya sa buhay ko. Para kasing siya lagi ang sumasalo sa akin sa t’wing nahuhulog na ako sa hukay ng kawalan. Parang kapag wala siya, I feel lost. Siya ang nagsilbi kong compass para malinawan ako sa mga bagay-bagay sa mundo’t buhay ko.

Pero may isang bagay na sadyang ikinalilito ko dahil sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan nagsimula pero alam kong hindi pa magtatapos. Nabuo na ang anxiety ko oras na makakarinig ako ng tsismis tungkol sa ‘kin.

“Mag-jowa raw sina Allen at Hans? E ‘di ba kabe-break lang ni Allen kay Matt? Such rebound.”

“Kaya pala puro babae kaibigan nung Hans. Bading pala.”

“Sa same apartment daw sila nakatira ni Allen. I bet nakapagsiping na sila.”

“Mukhang bagong titirahin ni Allen yung Hans ah.”

Ilan lang ‘yan sa iba’t ibang bagay na naririnig ko tungkol sa ‘kin… or sa ‘min ni Allen.

Gayunpaman, hindi ako masyadong nagpaapekto. Itinago ko na lang sa sarili ang masyadong pag-iisip. Mas naging malapit ako kay Allen in terms of everything. Doon ko siya mas kinailangan dahil sobra niya akong naiintindihan sa mga pinoproblema ko.

And before I know it, I was attached to him.

Nadaanan na namin ang sembreak.

As usual, pagkauwi ko noon sa bahay ay kinutya na naman ako ni kuya. Hindi ko alam kung bakit ba ayaw na ayaw niya sa presensiya ko.

“Sana bumalik na ang pasukan ‘no? Para sa apartment ka na lang ulit,” imik ng kuya ko.

“Sana nga,” sigaw ko naman pabalik.

Napagalitan pa ako no’n ni mama. Kahit naman anong gawin ko, ako lagi ang mali sa bahay.

Tanda ko rin na nagreklamo ako ng isang beses tungkol sa bagal ng signal ng wi-fi namin. Nagalit sa ‘kin no’n si kuya at sinabing mag-mobile data na lang ako. Pinaakyat pa ako nun na mama sa kuwarto. Doon na lang daw ako dahil malakas daw signal do’n.

Nagkulong ako no’n at si Allen ang una kong kinontak. Somehow, kapag kausap ko siya, sa chat man o tawag, gumagaan ang loob ko. Nakakalimutan kong may problema ako.

Doon ko masasabing hindi ako nagkamaling kinaibigan ko siya.

∞∞∞∞∞

Balik sa regular na araw ng pasukan ang ganap matapos ang isang linggong sembreak. Kaniya-kaniyang kuwento ang bawat isa sa kung paano sila nabagot at nag-enjoy sa isang linggong iyon. Pero ako? Walang nangyaring matino sa akin sa loob ng maikling panahong iyon. Dagdag mo pang hindi ko pa nakikita si Allen simula pa noong bumalik ako ng apartment.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now