CHAPTER 22 : Where Do Broken Hearts Go?

108 27 16
                                    

DARRYL

“Oh? Napaaga yata balik mo?” Pinagtatawanan na ako nina Green pagkabalik ko sa aming silid. “Ultimate rebound ka kasi!”

Hindi ko na lang siya inimikan. Bumalik na lang ako sa aking upuan at doon hinayaan ang sariling malunod sa kawalan.

“Nakita mo na ba yung nasa messenger story nung Kris Banalan?” pagsunod sa ‘kin ng pangungulelat ni Green. “Sakit ‘no? Kawawa ka naman.”

Inirapan ko siya at nakitang tinatawanan na rin ako nina Max at Andrea. Mga walang kuwentang nilalang.

Pinilit kong limutin ang lahat ng nangyari ngayong araw ngunit hindi ako pagbigyan ng aking isipan. Lahat ay pilit nitong ibinabalik sa ‘kin.

∞∞∞∞∞

“Darryl Francisco raw po! May naghahanap po kay Darryl Francisco,” paulit-ulit na sigaw ni Cyan mula sa pinto ng aming classroom. Nilingon ako ng buong klase dahil do’n, may mga nakapanlolokong ngiti sa kanilang mga mukha.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at pasinghal pang pumunta sa kinatatayuan ni Cyan. Pigil niya ang kaniyang paghagikhik nang ako’y makarating do’n.

“Bakit?” taas-kilay kong tanong kay Cyan ngunit tumuro lang siya sa labas ng pinto.

Bumungad sa ‘kin ang isang babaeng ngayon ko lang nakita. Dahil sa kaniyang tindigan ay kaagad kong nahinuhang hindi siya taga-dito sa school. Nginisian niya lang ako saka siya sumenyas sa kaniyang tabi ng “Punta na rito.” Medyo kinabahan ako sa kung sino ang tinawag niya.

Ngunit nangatog na lang ang aking tuhod nang malaman kung sino iyon.

“Hi,” kaswal niyang bati, tila bakas pa ang pagkahiya sa kaniyang mukha.

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Nakaramdam ako ng hiya at kilig sa loob ng isang pagkakataon. Anong ginagawa nito rito?

“Happy Valentine’s Day,” tipid na bati sa ‘kin ni Allen sabay abot ng isang Toblerone at isang Cadbury chocolate.

Dinig ko ang tilian ng aking mga kaklase mula sa aking likuran. Kagulo na sila’t nagwawala nang masulyapang si Allen pala ang naghahanap sa ‘kin mula sa labas.

Tinanggap ko na ang mga tsokolateng galing sa kaniya at nagpasalamat.

“Nakakainis ka!” biro ko sa kaniya sabay suntok sa kaniyang balikat. “Wala ka man lang pasabi.”

“Edi hindi na surprise ‘yon?” ngiting-ngiti niyang sabi sa ‘kin.

“DarLlen for the win po!” sigaw ni Green sa loob ng silid.

“Huy!” saway ko sa kaniya.

“Mas gusto ko yung DoRryl,” natatawa pang komento ni Max. Pareho ko na silang inirapan. Doon ko lang din napansing wala pa pala sa classroom si Matt. Ayos lang ‘yon. Hindi ko na kailangan ng dagdag na asar.

“Teka may kukunin lang ako,” sabi ko kay Allen. Tinanguan niya lang ako.

Shit. Ang awkward.

Kinuha ko yung paper bag na dapat mamaya ko pa talaga ibibigay kay Allen. Sosorpresahin ko dapat siya sa school niya kaso naunahan niya ako.

“Ayiee! Prepared din naman pala,” pula sa ‘kin ni Andrea. I just rolled my eyes upon her.

“Sinasabi na nga ba e,” sabi pa sa ‘kin ni Max nang madaanan ko siya.

“Tahimik nga po. Ang ingay e,” pagpapatahimik ko.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon