CHAPTER 7 : A Small World After All

174 44 21
                                    

DARRYL

Fritz-Reyes Integrated High School. Isang kontrobersiyal na paaralan. Bakit? Dahil kontrobersiyal din ang mga nag-aaral. Marami kasing kilalang personalidad na nag-aaral sa paaralang ito, ang kadalasan pa’y matatalino. Kung hindi vlogger o influencer, ay mga artista talaga. Kaya maraming wannabe rito.

Certainly, hindi dapat nabibilang dito ang isang Darryl Francisco. Isa lang naman akong hamak na commoner. Maging nanay ko nga tinatawag akong bobo at walang silbi. Ano pa nga bang role ko sa makabuluhang istorya ni Mother Earth? Wala. Dumi sa kalye na hinihintay lang mawalis ng isang street sweeper. Buti pa nga yung magwawalis may minor role.

Hindi marangya ang buhay ko. Sure, may pagkamayaman ang family ko—in terms of salapi, pero sa love and support? I don’t think so. Hindi yata uso sa pamilya namin ang compliment sa isa’t isa. Mas pinapansin pa nga ng nanay ko yung achievements ng mga kaklase ko—mapamaliit o malaki. Pero yung sa ‘kin? Basura.

Hindi rin ako kagwapuhan tingnan—or at least ako lang nag-iisip no’n. Marunong akong manamit, mahilig nga ako sa hoodies e. I can go with the fashion flow. Pero every time na titingnan ko ang sarili sa salamin—boplaks! Ang pangit kong nilalang.

Ang mas masahol pa. Bakla ako. Hindi pa ‘to alam ni nanay pero oras na malaman niya, mata ko lang siguro ang walang latay.

Last junior year ko na sa eskuwelahang ito and I was hoping for the best not until this day happened…

I’m with my friends Cyan and Andrea. Itong dalawang ‘to ang madalas kong makasundo kapag kakain, pero normally, si Cyan lang talaga nakakasama ko kasi mayroong other circle si Andrea.

Isang matangkad na ubod ng puting lalaki si Cyan Mendoza. May hitsura rin pero hindi ko alam kung bakit hindi nahuhulog ang panty ko sa kaniya. I clearly see him as a friend lang talaga. Makulit at madaldal siyang nilalang so we harmonize well kasi sobra-sobra rin ako sa kadaldalan.

Total opposite namin si Andrea Nada. Siya kasi yung fiery, wapakels-type of girl. Laging on fleek at sadyang matatadyakan ka sa bawat irap. Mapangahas din ‘yan at kilalang tao siya sa campus dahil sa boses niya. Hanep kasi ‘yan kung kumanta, parang songbird. Pareho kaming parte ng choir kaya kami nagkakilala nang ganoon katalik.

Pabalik na kaming classroom just after we finished our lunch. Sa bungad pa lang ng pinto ay dinig na kaagad namin ang mala-speaker na boses ng nag-iisang Maximo Dela Fuente. Samu’t saring komosyon ang mahihinuha mula sa labas kaya nagmadali na rin akong pumasok.

“Ligalig mo Max,” puna kaagad sa kaniya ni Andrea pagkapasok na pagkapasok. Partida, abala pa siya sa kaniyang telepono noon.

“Matutuwa ka naman kapag nalaman mo ‘tong ipinagliligalig ko,” tira naman pabalik ni Max na dali-daling pumunta sa unahan at tumuntong pa sa upuan. Nakaharap ako sa kaniya habang naglalakad kung kaya’t muntikan pa akong matumba nang may nakasagi sa akin. May bigla kasing tumakbo sa aking tabihan na siya namang sinundan ko kaagad ng tingin.

“Akin na nga kasi ‘yan,” pag-irit ni Matt habang pilit inaabot ang cellphone na hawak-hawak ni Max. “Privacy nga po,” hirit pa nito kung kaya’t itinuon na ni Max ang kaniyang kamay sa ulunan ni Matt.

“Nag-chat kay Matt yung ex-boyfriend niya,” anunsiyo ni Max. Naghiyawan naman ang iba naming mga kaklase habang si Matt ay walang humpay pa rin sa pangangagaw ng kaniyang cellphone mula kay Max.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now