CHAPTER 23 : Comflirt

118 26 7
                                    

DENIELLE

I hate the fact na si Allen ang nag-recommend sa ‘kin ng app na ‘to pero ayos na rin.

Supposedly masaya ako ngayon dahil kay Ulysses. Hindi niya ako pinaasa kanina na may ibibigay siya para sa ‘kin… pero naguguluhan pa rin ako. I’m still torn in between kaya hanggang ngayon wala pa rin kaming label.

Buti pa nga si Hans e, may official na jowa na—tapos si Allen pa. Tuluyan na silang nagkatuluyan.

Pero kung hindi dahil sa ‘kin, hindi rin naman sila magkakakilala. At least give me some credit, ‘di ba? Dati ako ang may gusto kay Hans, pero ngayon tingnan mo ang kinalabasan? Amazing!

Pero nalulungkot ako at naiinis at the same time dahil although together forever na sina Hans at Allen, hindi pa rin ako pinapansin ni Allen. Panay lang ang irap niya sa ‘kin. Ni hindi niya ako iniimikan.

∞∞∞∞∞

“Hala, Ielle! Sina Hans at Allen ba yung magkayakap sa tapat ng room niyo?” paghila sa ‘kin ni Louisse upang madatnan ang kaniyang nakita.

At doon lumantad sa ‘kin ang pagiging sweet ng dalawa. Akala ko hindi na muli sila lalanggamin e. I never saw this coming.

“Oo nga. Lapitan natin!” excited kong pagkakasabi kay Louisse nang makumpirma kong silang dalawa nga ‘yon.

Nagkaayos na sila, baka magkaayos na rin kami.

“Hala, Ielle. Sa’n ka galing? Sayang, ‘di mo sila nakitang mag-kiss,” kinikilig-kilig pang siwalat sa ‘kin ni Ron.

Aber? Nag-kiss sila?!

Naputol ang kanilang yakapan at isa-isa nang nagsibalik sa loob ng classroom. Tinapik pa ni Glaiza ang balikat ni Hans, binabati ito sa kaniyang suwerte. Nakatayo lang kami ni Louisse sa likuran ni Allen, siguro ‘di pa rin kami napapansin.

“Boy, congrats,” lapit ni Kris sa kaibigan. “Success ka sa tatlong linggong plano mo,” patawa-tawa pa niyang komento.

Tatlong linggong plano? Ibig sabihin napagplanuhan na niya talaga ang mangyayari matapos ng silbatuhan namin?

“Thank you sa pagtulong, Kris,” sagot ni Allen pabalik. Muling yumapos sa kaniya si Hans kasabay ng pagpatong niya ng ulo sa dibdib nito. Ang cute nilang tingnan.

“Congrats po,” bigla kong imik kaya napalingon na sa ‘kin yung dalawa. Nakangiti sa ‘kin si Hans samantalang wala akong mabasang ekspresyon sa mukha ni Allen.

Bahagyang yumukod si Hans na tila nagsasabi ng kaniyang pasasalamat sa aking pagbati. Tiningnan niya si Allen at doon pa lang ngumisi ito. Wala siyang sinabi pero ramdam ko ang kawalan ng sinseridad sa kaniyang pagtango.

“Sige, papasok na kami sa room,” paglihis ko na lang dahil namuo na ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Nagmamadali na akong pumasok sa loob ng aming silid, hila-hila si Louisse.

“May problema ba kayo ni Allen?” biglang tanong sa ‘kin ni Louisse nang makaupo na ako sa aking silyon. “Akala ko magiging okay na rin kayo pagkatapos ng nangyari.”

“Maraming namamatay sa maling akala, Louisse,” matamlay kong tugon. “Siguro walang plano si Allen na balikan ako. Wala akong kuwenta, e.”

“Huy. H’wag ka ngang harsh sa sarili mo,” pag-alo sa ‘kin ng aking kaibigan.

“Walang katotohanang hindi harsh,” sumbat ko naman.

“Ikaw naman. Feeling ko nag-iipon lang ‘yon ng kung anong dahilan para maging okay ulit kayo,” aniya pa.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now