CHAPTER 8 : When Two Worlds Collide

153 43 18
                                    

ALLEN

HOW ARE YOU?
Joyous     Normal     Angry
Sad        Awful

Kumusta nga ba ako? What just happened?

Well… mukhang marami.

∞∞∞∞∞

“Allen Dominic Rodriguez!” bulyaw sa akin ni Kris kasabay ng paghambalos ng kaniyang kamay sa aking silyon habang abala akong mag-rewrite ng aking notes. Tiningnan ko siya nang masama noong dumulas ang aking pluma habang nagsusulat.

“Parang timang, Kris. Kitang nagsusulat,” sumbat ko sa kaniya.

“Sister, mamaya na ‘yang sulat-sulat mo,” pananadya niyang pagsara sa aking kuwaderno. I rolled my eyes as she shooed the person sitting beside me. Naupo siya at iniharap ang mukha ko sa kaniya. “Umamin ka nga sa ‘kin.”

Sa huramentado niyang iyon ay kaagad akong napalunok ng sariling laway. Ano namang puwede kong aminin sa kaniya?

“May gusto ka ba kay Colette?” seryoso niyang tanong. Agad natanaw ng aking mga mata si Colette na kakantiyawan si Zee. Agad inilihis ni Kris ang aking tingin pabalik sa kaniya. “Dude, be honest nga sa ‘kin. Best friend mo ako.”

I heaved a sigh. “Oo,” tipid kong sagot.

“Really? Bakit ‘di mo naman sinabi sa ‘kin kaagad? Maghihinala na sana akong kay Hans ka may gusto e,” aniya, reeling the excitement in her tone. I raised a brow upon her mentioning Hans’s name.

“Kasi alam kong gusto mo rin si Colette kaya ayun,” nakatungo kong tugon. Muli niyang iniangat ang tingin ko sa kaniya.

“Bakit? Bawal bang sabay tayo kiligin?” she smiled. “Ano ba? You think magseselos ako? Dude, tanggap kong hindi magiging kami ni Colette if ever. Ramdam kong hindi siya tibo at saka ang babaw naman no’n kung mag-aaway tayo just because of a girl. Mas malalim kaya pinagsamahan natin,” aniya sabay akbay sa akin.

Palaro ko siyang kinurot sa tagiliran na ikinaliyad niya. “Gaga ka. At saan mo naman natimpla ang tsaa?”

“Kay Anna,” kindat niya. “Happy crush ko na lang ngayon si Colette, though.”

“Ako rin naman,” sagot ko. Sandali kaming nagtinginan bago niya paglaruan ang buhok ko. Gumanti naman ako sa pamamagitan ng pangingiliti sa kaniya. It took a while after we stopped.

“Ang daming baliko sa school natin ano? Kaunti na lang tawagin itong Del Valle Bi School,” hagikhik ko.

Ilang serye ng tawa ang pinakawalan niya. “Witty mo, pero corny pa rin,” asar niya. “Malapit na mag-lunch. Wala naman pati yata si ma’am. Tara na?” aya niya.

“Tara,” nakangisi kong tugon.

∞∞∞∞∞

Dumiretso kami ni Kris sa cafeteria para tingnan kung anong pagkain ang available ngayon. Sa hilig ko sa chicken fillet ay yaon kaagad ang aking binili nang malapatan ito ng aking paningin. Masarap kasi ang chicken fillet ng cafeteria, may halong cheese sa loob. Ganoon na rin ang binili ni Kris. Puto maya talaga ‘to.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now