CHAPTER 24 : Kapulungan ng Damdamin

120 28 12
                                    

DARRYL

Tandang-tanda ko pa noong napanood ko ang pelikulang Inside Out. Lubos akong naka-relate do’n. Doon ko rin natutunan kung pa’no ba nabubuo sa ating isipan ang tinatawag na core memory at para sa ‘kin, Allen is one of those core memories na meron ako.

May joint choir ulit kami ngayon. Kakanta kami sa isang kasalan kaya kahit sobrang lungkot ko at kahit hindi ako nakatulog nang maayos, nilakasan ko na lang ang aking loob para maka-attend.

Kahit pa makikita ko na naman ang pagmumukha ni Max.

Sa totoo lang kasi, nakakasawa siya in terms of everything. Nakakaumay ang boses niya, nakakasura ang pagmumukha niya, at nakakawalang gana ang whole existence niya. Para kasing every time na makakatabi mo siya, manliliit ka sa sobrang taas ng tingin niya sa kaniyang sarili. Nakakawala siya ng kumpiyansa sa sarili—at wala siyang pakialam.

Wala akong imik buong biyahe. Ni si Andrea hindi ko pinapansin. Wala talaga kasi ako sa mood makipag-usap ngayon. Baka kung ano lang lumabas sa bibig ko.

Hindi na rin sinagot ni Allen ang mensahe ko kagabi. Nag-seen lang siya. Pinaglaruan niya lang ako.

“Huy, bababa na raw,” pagtapik sa ‘kin ni Andrea. Hindi ko na namalayang nandito na pala kami sa simbahan. Siguro mukha akong tanga habang nakatitig lang ako sa kawalan.

Never mind. Matagal na akong tanga.

Lutang na lutang ako pagkababa ng jeep na sinasakyan namin. Wala ako sa huwisyong makihalubilo ngayon. Halos mapatalon na nga ako sa gulat nang tawagin ako ni Denielle.

“Huy! Ayos ka lang? Parang wala ka sa sarili mo ngayon,” pagpansin niya sa ‘kin. Buti pa siya, napansin niya.

Pilit akong ngumiti para sa kaniya. Sasagot na sana ako nang bigla siyang umakbay sa akin.

“Mag-share ka na kung ano ‘yang pinoproblema mo para gumaan-gaan ‘yang pakiramdam mo,” pag-uudyok niya sa akin. Somehow, letting her speak lifted my spirit. Bumuntonghininga ako.

“Alam mo yung feeling na umasa ka sa isang tao kasi akala mo siya na yung the one na hinahanap mo pero in the end, akala mo lang pala talaga ‘yon?” sagot ko sa kaniya mula sa malalim na paghugot ng hininga.

“So… BH ka ngayon?” remarka niya.

“BH?”

“Brokenhearted,” pag-imik niya kasabay ng pagduro niya sa aking dibdiban.

“Ahhh. Akala ko batikang hunghang e,” paghalakhak ko. Nakitawa naman siya sa ‘kin.

“Pero seryoso na. Bakit? Saka kanino?” she curiously asked.

Sasabihin ko ba?

Magkaibigan sina Allen at Ielle kaya hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon niya kung sakaling sabihin kong si Allen ang pinagdadramahan ko.

Inalis na niya ang kaniyang braso sa aking balikat nang hindi pa rin ako umiimik. Patuloy lang ako sa paglalakad at walang kibo ang mga labi.

“Huy, wait lang!” pagtakbo niya. Inilawak niya ang kaniyang mga braso para maharangan ang aking daraanan. Diretso siyang nakatitig sa akin na parang binabasa ang kung ano mang nasa isipan ko.

“Ano ‘yan?” biglang bungad ni Max sa aking likuran na siyang nagpasirko sa aking mga mata. “Nagpapatintero ba kayo?”

Aba! At may nalalaman pang pag-akbay sa ‘kin ang mokong.

“Ha-ha. Max, you’re so funny,” I sarcastically remarked.

“Thank y—“

“—Funny-ra ng araw,” iritable kong pagkakasabi habang inaalis ang pagkakaakbay niya sa ‘kin. Yamot akong naglakad palayo, ramdam ang bigat sa aking bawat pagyabag.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now