CHAPTER 20 : Support or Substitute?

105 27 6
                                    

ALLEN

Malapit na ang araw na aking ipinangako sa sarili. Matagal-tagal din ang naging proseso ko para matapos ang lahat ng paghahanda ngunit kung para naman sa taong minamahal ko, hindi na bale ‘yon.

Sa loob ng tatlong linggong pangungulila namin ni Hans sa isa’t isa, maaaring nasulit na namin ang lahat ng panahon sa aming espasyo. Nakikita ko siya minsan na kasama ang mga kaibigan niya, lalo na sina Glaiza na siya pa ring napagseselosan ko ngunit isinantabi ko muna iyon. Naging malapit na rin siguro sila ni Ielle noong mga panahong nawala ako.

Sa kabilang dako, mas napagtuunan ko ng pansin ang mga kaklase ko. Sinubukan kong makihalubilo sa bawat isa para maramdaman kong puwede ko rin sila maging tahanan. Kung sakaling mabigo, si Daylio na lang ang aking tanggulan.

Todo suporta naman sa ‘kin sina Kris at Anna sa lahat ng aking pinaggagagawa. Minsan, tumutulong pa silang maggupit-gupit ng mga kinakailangan ko. Natatawa nga ako minsan sa mga paulit-ulit na humahanga sa mga ginagawa kong effort. Maigi na lang at talagang umuubra ang plano kong ito.

Sana nga lang ay walang nagsiwalat ng tungkol dito.

“Kris, tapos na ako sa part one at part two,” awit ko sa kaniya habang papalapit.

“Yes! Kinikilig ako. Malapit na!” hiyaw niya. “Ako pa rin ang videographer mo ha?”

“Oo naman,” kamot ko sa batok. “Salamat sa lahat ng naitulong mo dito ha.”

“Sus. Ano ka ba? Wala ‘yon. Pambawi ko na ‘yon sa lahat ng naitulong mo sa ‘kin, lalong-lalo na sa acads,” sagot naman niya pabalik.

“Pero may isa pa akong favor,” pag-iiba ko ng tono. Naghanda naman siya upang pakinggan kung ano man ‘yon. “Sa Huwebes ng gabi, sa inyo sana ako makikitulog.”

“Kailangan pa ba ‘yan ihingi ng pabor? Given na ‘yan,” halakhak niya na sinabayan ko.

“Pero sasamahan mo rin muna akong bumili pa ng iba kong kakailanganin,” dagdag ko. “At saka kailangan ko ring pumunta sa FRIHS sa umaga.”

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang malaman iyon.

“Yung sasamahan kita sa pamimili, okay ‘yon. Pero h’wag mo sabihing…” pinagtaasan niya ako ng kilay natila nag-iispekula sa aking konpirmasyon.

“Samahan mo rin ako sa FRIHS,” pagmamakaawa ko.

Pumikit siya habang marahan na tumango-tango. “So Team Darryl tayo?”

“H-hindi naman sa gano’n,” kamot ko sa batok habang ngingisi-ngisi.

“Hala, sige. Wala namang klase ng Biyernes.”

“Yieee! Thank you!” pagpalirit ko sabay karipas ng pagyakap sa aking kaibigan.

“Asus, landi!” aniya sabay tapik sa ‘king likuran. Kumalas na ako na sinabayan ng isang asar na pagnguso. “H’wag ka ngang pabebe,” sabi pa niya kasabay ng pabirong pagsampal niya sa ‘kin.

“Opo na. Basta alam mo na ha. Tuloy pa rin yung part mo sa plano,” pagkindat ko sa kaniya.

“Ay, oo nga pala. Nakalimutan kong i-send sa ‘yo kahapon yung nakita ko,” si ni Kris habang dinudukot ang kaniyang cellphone. “’Send love sa Feb. 14 please,’ daw. Sa tweet niyang ‘yon, mukhang wala talaga siyang ideya,” siwalat niya.

“Edi good,” kampante kong komento.

“Pero mag-ingat ka pa rin. Someone is sending him hints,” dagdag pa niya sabay pakita sa ‘kin ng isang recent tweet ni Hans.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon