CHAPTER 17 : On Fries, Floats, and Regrets

105 25 9
                                    

HANS

kal0g na hopia @washUrHans
Di naman naging tayo pero bakit ang sakit noong umalis ka? Yung sakit ay yung tila ayaw kitang mawala.

That’s the tweet.

That’s my tweet.

Mayro’ng kakaibang kirot sa aking dibdib na umusbong simula pa noong ipagtabuyan ako ni Allen. Hindi na niya ako pinapansin simula noon. Kapag magkasabay kaming lalabas o papasok ng apartment, mistula hindi naming kilala ang isa’t isa at nagkakahiyaan pa. Pansin ko rin ang madalas nang pagsimangot niya. Hindi ako nasanay na gano’n siya.

Isang positibong tao si Allen kaya naman laking hinayang ko nang masulyapan ko na ang negatibo niyang mukha. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa dahilan kung bakit siya naging malamig sa akin—hindi lang sa ‘kin, kundi maging kay Ielle na rin. Pero malakas ang kutob kong dahil iyon sa isa sa mga nasabi ko.

Mabusisi si Allen pagdating sa mga salita.

Naging malungkot din ako kada araw na lumilipas. Parang laging may kulang sa akin kahit ano man ang aking gawin. Pilit din akong sinasamahan ni Ielle para maghanap ng mapaglilibangan para sumaya-saya ako. Ganoon din ang naging akto nina Zee, Colette, Glaiza, at Kelvin.

Epektibo naman ang ilan naming mga katuwaan gaya ng paglalaro sa arcade, pagkain kung saan-saan, o kahit ang simpleng group study. Subalit hindi ko pa rin maamin sa sariling ayos lang ako.

“Wala raw klase,” anunsiyo ng aming presidente sa silid kaya nagdiwang ang mga kaklase ko. Nakisakay na lang ako sa kanilang kasiyahan upang kahit papaano ay malunod ang aking mga masasamang iniisip.

Hanap-hanap ko kung nasa’n si Ielle sa silid upang makipaglaro na lang sana ng Mobile Legends sa kaniya ngunit mukhang preoccupied na siya sa ginagawa nila ni Louisse. Umiling na lang ako at inilugmok nang mag-isa ang sarili sa silyon.

“Hans, dali laro tayo,” biglang lapit sa ‘kin ni Danzel. Inirapan ko lang siya.

“Dali na,” pagpupumilit pa niya. “Ngayon lang. Nakakabagot kasi.”

Bumuntong ako ng isang pasinghal na hininga. Itinango ko ang parehong kilay bilang tugon. Inismiran lang ako ni Danzel.

Kukuhain ko na ang aking cellphone sa bulsa ng pantalon nang biglang nagdilim ang aking paningin. Mayroong nagpiring sa aking mga mata gamit ang panyo.

“Hoy! Ano ‘to?” paghiyaw ko.

“Maglalaro nga tayo, ano nga Ron?” dinig kong tugon ni Danzel. Naramdaman ko ang paghila niya sa aking mga braso upang makatayo.

Pumalatak ako nang bahagya habang sumusunod na lang sa nais niyang gawin.

Baka bitayin ako ng dalawang ‘to.

Dinig kong may humagikhik sa aking likuran. Doon ko nakumpirmang si Ron nga ang namiring sa ‘kin. Siya ang sumusuporta sa akin sa loob habang naglalakad.

“Ang lalaruin natin ay hulaan mo kung sino yung kinakapa mo,” bulong sa ‘kin ni Danzel.

Bigla akong na-challenge sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang excitement na nararamdaman. For a while, nahanap ko ang aking happy bone.

Hindi nagtagal ay meron silang ipinakapa sa ‘kin. Sa pakiramdam ng aking kamay, buhok iyon ng isang babae. Bumaba iyon sa balikat at naramdaman ang kaunting himulmol ng unipormeng kaniyang sinusuot. Nadagil ko rin ang tila hikaw na hugis-bituin.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now