CHAPTER 31 : Ti-Wala

82 24 0
                                    

ALLEN

Madaling araw na nang biglang tumunog ang aking telepono. Nawala ang pagkakayakap ko mula kay Hans nang kapa-kapain ko kung nasa’n ito. Nang mahablot ay kaagad ko itong itinigil sa pagtugtog.

Inaantok pa ako kaya muli kong ibinalik ang pagkakayakap ko kay Hans. Sa apartment na naman niya ako natulog. Isiniksik ko ang aking ulo sa kaniyang leeg habang idinadantay ang isa kong binti sa pagitan ng kaniyang mga binti.

Nagulat naman ako nang bigla niyang ipinosisyon ang aking kamay sa kaniyang dibdib. Sa aktong ‘yon ay bigla akong nilamig kahit pareho na kaming nakakumot. Kapag nilalamig pa naman ako ay sobra-sobra akong kinakaligkig. Mas humigpit ang pagyakap ko kay Hans.

Nang maramdam siguro ang mala-lindol kong panginginig ay saka siya tumagilid upang humarap sa ‘kin.

“Nilalamig ka pa rin?” bulong niya sa ‘kin. Tumango lang ako.

Bigla siyang bumangon at nagtanggal ng pantaas na damit. Tiniklop niya ‘to sa kaniyang tabihan bago muling nahiga.

“Yakapin mo ulit ako,” bulong niya sa ‘kin habang, sa ‘kin pa rin ang tagilid.

I enveloped him in my arms. Ganoon din ang ginawa niya sa ‘kin. Dumantay siya sa pagitan ng aking mga hita at isiniksik ang ulo sa aking leeg. He gently kissed it as I felt the warmth of his topless body.

“Okay ka na?” he asked.

“Much better,” tugon ko naman.

“Hug mo lang ako ha?” malambot niyang sabi sabay higpit ng pagkakayakap sa ‘kin.

I soft smile crawled upon my lips as I did the same. I kissed his forehead as I shivered less.

Hindi pa man ako nakakatagal sa pagpikit ng aking mga mata ay bigla na namang tumunog ang aking cellphone. Inis akong pumalatak habang muli itong inaabot.

Muli naman nang nakatulog si Hans kaya hindi na siya naabala pa ng tunog.

Akala ko ba napatay ko na yung alarm?

As I flashed the screen against me, doon ko lang nalamang hindi pala alarm ang may kagagawan ng tunog kundi isang tawag.

Tawag mula kay Darryl.

Ano bang kailangan niya sa ganitong mga oras?

Siniguro ko munang tulog na talaga si Hans bago ko sinagot ang tawag. Nang matiyak na himbing na ito ay mabilis kong itinapat sa ‘king tainga ang telepono.

“Hello?” pilit kong sabi, medyo naaalimpungatan na rin.

“Hi Allen,” bati niya sa pagitan ng ilang pagsinok. Biglang tumaas ang aking kilay.

“Lasing ka ba?” suspetsiya ko.

“Lasing? Ano ‘yon? Hindi ako lasing, Allen. Pahingi namang kiss oh,” maduwal-duwal niyang imik mula sa kabilang linya.

Kilala ko ‘tong lalaking ‘to. Naglalasing lang ‘yan kapag may nangyaring masama sa araw niya.

“Darryl, matulog ka na. Alas dos na rin ng madaling araw, oh. May pasok pa tayo,” sumbat ko sa kaniya.

“Pasok? Puwede bang ako na la—Charot,” paghagikhik niya. “Bakit ang bad sa ‘kin ni Cyan ‘no?”

Cyan? Sino naman ‘yon?

“B-bakit? Ano bang ginawa niya sa ‘yo?” tanong ko, extracting as much of the information as possible.

“Ipinagkalat niya kasing naghalikan tayo,” he hiccuped. Dumagok ang isang malaking kaba sa aking dibdib.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon