CHAPTER 35 : How Are You?

142 27 0
                                    

HANS

Maulap ang kalangitan at hindi gaano dama ang init ng sikat ng araw sa tanghali habang tinatahak namin ang sementadong daan patungo sa sementeryo. Marahan lang ang lakad namin habang sinusundan ang karong may dala kay Allen.

Magpasahanggang ngayon ay sobra-sobra pa rin ang kirot na aking nadarama. Ayaw ko pa ring maniwalang wala na si Allen. Hindi pa ako handa eh. Nagsisimula pa lang kami pero ang sama naman ni tadhana. Tinapos niya kaagad.

Sabi nila, true love is a story that has no ending—pero bakit gano’n? Hindi ba true love yung sa ‘min ni Allen? Prologue pa lang ako pero bakit sa ilang chapter pa lang epilogue na agad ang bumungad sa ‘kin?

Ang unfair.

Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang lumuha lalo pa’t nakikita ko ang nanay ni Allen na labis pa rin ang paghagulgol. Ni hindi man lang ako naipakilala ni Allen sa kaniya nang maayos. May plano pa man din siyang sa moving-up namin ay doon siya magtatapat sa kaniyang mga magulang tungkol sa kung anong meron kami.

Ang sakit isiping sobrang dami naming plano para sa isa’t isa pero ang lahat ng ‘yon ay hinding-hindi na matutuloy. Kada alaalang gumuguhit muli sa aking isipan ay katumbas ng isang luhang nagbabadyang gumapang.

“Anak naman. Bumalik ka na sa ‘min please!” ang panaghoy ni Mrs. Rodriguez. Nakailang alo na sa kaniya ang kaniyang asawa maging ang mga kapatid ni Allen ngunit hindi pa rin siya matigil.

Sobrang sakit talaga sa bahagi ng isang ina na mawalan ng anak.

Halos magitla ako nang may tumapik sa ‘kin sa balikat mula sa aking likuran.

“Ayos ka lang ba?” tanong sa ‘kin ni Ielle. Magkasabay sila ni Darryl na naglalakad sa aking likuran.

I feigned a smile. Tinugon ko lang siya ng isang tango.

Kuyom ang aking kaliwang kamay habang naglalakad, pinipigilang iahon ang mga luha. Iniangat ko ang aking kanang kamay upang muling pagmasdan ang tanging bagay na naiwan sa ‘kin ni Allen—ang kaniyang cellphone at ang kuwintas na bigay ko sa kaniya.

Nang buhayin ko ang kaniyang cellphone ay muling bumungad sa ‘kin ang aming litrato noong tuluyan nang magtapat sa ‘kin si Allen.

Nakangiti ka pa rito, Allen. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana noon pa lang pala sinagot na kita.

Hindi na kinaya ng aking mga mata. Mariin akong napapikit habang isa-isa nang magsilabasan ang aking mga luha, pahikbi-hikbi, muling nasasaktan.

“Hans,” ramdam kong pagyapos sa ‘kin ni Ielle. “Tama na. Ilang araw ka nang umiiyak e.”

♪ I'm about to start falling ♪
♪ In your arms I find home ♪
♪ When it gets dark and starts raining ♪
♪ With you it’s easier to cope ♪

Hindi na rin napigilan ni Ielle ang lumuha. Pareho kaming napalapit kay Allen kaya gano’n na lang ang sakit na aming nadarama.

“Ang sakit naman e,” bulong ni Darryl na ngayo’y katabi ko na ring naglalakad. “Dapat ako na lang yung nandoon e. Hindi dapat si Allen ang kinuha. Hindi dapat siya yung nalunod sa ilog na ‘yon.”

Pigil ang kaniyang paghinga habang binibigkas ang bawat kataga. I caressed his arm as we walked, calming each other out from this undeniable grief.

♪ All my dreams and fears ♪
♪ Have learned to reach and ♪
♪ Have stirred myself away from ♪

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Where stories live. Discover now