CHAPTER 2 : Inhale, Exhale

417 86 31
                                    

ALLEN

School is back.

This will mark as my last junior year in high school. Ang bilis ng panahon. We came out of age with the institutions that shaped our minds.

For most people with a lot of stories to tell, kadalasan school ang setting. You’ve got to dedicate yourself to education for almost two decades or so just to fulfill dreams and goal landscapes. Along the process, we build our own stories with the people we meet along our paths.

Kasama na nga sa pagbuo ng istorya kong ‘yon sina Ielle at Andrei. Turns out, hindi sila pinayagan ng pagkakataon na maging magkaklase. Napunta sa second-class section si Ielle samantalang kaklase ko ngayon sa first-class section si Andrei.

Pero hindi sila ang hinintay kong makasalamuha sa araw na iyon. I still have someone in mind pero magsisimula na ang orientation at lahat, hindi ko pa rin siya nakikita.

Relax. Baka naman napalipat na sa ibang section.

At saka, bakit ko pa ba siya hinahanap? As if naman hinahanap pa rin niya ako. We should’ve decluttered already.

Out of nowhere ay tila nakaramdam ako ng maliit na jolt ng electricity sa buong katawan nang may walang pasintabing sumundot sa magkabilang tagiliran ko. Napaimik tuloy ako ng mga maruruming salita dahil doon. Hindi ko na kailangang umikot pa para makilala kung sino iyon.

“Hanggang ngayon virgin ka pa rin sa pangingiliti ko,” tawa-tawang asar ni Kris nang lumipat siya ng puwesto sa harap ko. Sinimangutan ko siya at pinaningkitan ng paningin. Hay, wala pa ring pinagbabago itong best friend kong ito. Ukitero pa rin.

“Ewan ko sa ‘yo!” bulyaw ko sa kaniya sabay talikod na bala-bala’y nagtatampong kuno.

“Sus, ang pabebe mo pa rin talaga,” muling asar nito.

“Wow, nahiya naman ako sa tangkad mong hanggang dibdib ko pa rin,” balik-asar ko sa kaniya sabay tapik sa bunbunan ng kaniyang puyo. Ang sarap talagang patungan ng kamay nitong babaeng ito. Para kasing coffee table sa pandak.

“Edi wow, Allenita,” pagnguso niya. “Hindi ako maliit! Matangkad ka lang!”

“Hoy Kris Banalan, ako’y tigil-tigilan mo sa katatawag sa ‘kin ng Allenita. Tunog matandang babae na nagpatayo lang ng bigasan para magnegosyo,” pagsagot ko naman sa kaniya sabay tuktok sa noo niya.

“Aray naman! Grabe siya. Hindi mo lang mahanap si Del Mundo mundo mo e,” hagikhik nito. Bigla akong nakaramdam ng slight na pagkurot sa aking puso. Hindi ako nakaimik sa kaniya.

Kaibigan ko nga ‘to. Alam na alam kung sino hinahanap ko e.

“Ano? Tameme ka ano? One point for Banalan, zero for Rodriguez. Kapag naka-ten points ako, sagot mo Stik-O ko. Isang garapon,” hirit naman niya. Ang dada talaga nito.

“Gaga ka. In your dreams ‘no! Bakit? Jowa kita? Jowa?” singhal ko.

“Bakit? Si Matt ba? Naging jowa mo? Naging kayo ba para bilhan mo siya lagi ng Stik-O?” pambubusal ni Kris sa akin. Bakit ba sa tuwing nagkakabibigan kami nito, lagi akong talo? Nanahimik ako bigla sa kaniya.

Sis naman, walang ungkatan. Moving on stage na ako oh. Nasa in denial phase na—huwag mo naman na ako pabalikin sa mukmok phase. O ‘di kaya tinetest ni Lord tatag ko tapos sugo niya talaga si Kris? Ay ewan.

“Ssshh! Tahimik na,” pagsuko ko.

“Ayuyuyu! Marupok!” huling hirit niya. Hindi na ako gumanti. “Ay bakit mo nga pala hinahanap? Seryoso na,” pag-iiba niya ng tono sa usapan.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon