30. Umamin ka na!

54.6K 916 76
                                    

30.

Sa totoo lang hindi ako makatulog. Kanina pa ako pabalibaliktad sa kama ko pero hindi talaga ako makatulog. Ang masama pa, hindi maalis ang mga ngiti ko. Nagmumukha tuloy akong baliw. Kunsabagay, baliw naman talaga ako. Baliw kay Charm. Amp! Ang corny. Pero totoo naman.

Ewan ko ba kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa kanya. Naapektuhan ata talaga ang utak ko nung pinalo niya ako ng drumstick dati.

Buti na lang at nawala na yung pagiging sadista niya nung naging kami na. Siguro talaga way niya yun ng pagpapacute. Lumaki ang ngiti ko nung marealize ko yun.

Ampotek! Ganun siya magpacute? Pambihira. Kaya pala panay ang palo niya sa akin dati kasi nagpapacute siya. Hahahaha.  Ang adik lang.

Yun ang ginawa ko sa loob ng mga dalawang oras hanggang sa makatulog ako.  Kailangan ko pa kasing gumising ng maaga kasi susunduin ko siya sa bahay nila.

Pagkababa ko nung umaga, nagulat pa si Mommy nung makita niya akong bumaba. Usually kasi pag Sabado at Linggo, tanghali na ako gumigising.

“Good Morning Mom.” Bati ko kay Mommy sabay halik sa pisngi niya. Nagtatakang tumingin siya sa akin kasi hindi ko naman gawain ang magising ng umaga kapag weekends.

“Maganda ata ang gising mo Heinz? May lakad ka ba?” Tiningnan niya ang suot ko.

“Pupunta ako kina Charm. Susunduin ko siya.” Nakangiting sabi ko kay Mom. Hindi ko alam kung bakit tuwing sinasabi ko ang pangalan ni Charm nangingiti ako.

“Charm?” Nakakunot ang noo ni Mom habang nakatingin sa akin. Nginitian ko lang siya.

“Si Charm Mom. Don’t tell me you have forgotten her?” Impossibleng makalimutaqn niya si Charm. Close pa nga sila dati.

“Of course naaalala ko siya but I think nasa China siya?”  

“Matagal na siyang nakabalik Ma. Ngayon ko lang nasabi ulit kasi kahapon lang kami nagkabati ulit.” Ngiting ngiting sabi ko. Mom looked at me seriously.

“So, wala na kayo ni Chelsea?” Napakamot ako ng ulo. Si Chelsea nga pala.

“Sasabihin ko sa kanya sa Monday Mom.” Nanlaki ang mga mata ni Mommy.

“Samuel Heindriek! Pinagsabay mo silang dalawa!?” Mom look aghast. Kulang na lang hampasin niya ako ng hawak niyang skillet.

“It’s not like that Mom. Wala lang akong pagkakataon na sabihin kay Chelsea  ang lahat. Pero sasabihin ko talaga sa kanya. Promise Mom.” Bumuntong hininga na lang si Mommy at pinaghainan na ako ng pagkain.

Pagkatapos kong kumain, agad na akong sumakay sa kotse at pumunta sa bahay nila Charm.  Pinagbuksan ako ng katulong at sinabing kumakain si Charm ng breakfast. Hindi pa siya nakaayos. Nagulat siya nung makita niya akong papasok sa dining room nila.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon