16. Chance

64.6K 1.1K 175
                                    

16. Chance

Isang linggo. Isang linggo na niya akong hindi kinakausap. At parang mababaliw na ako.  Ang masahol pa, nagpalipat siya ng upuan.  Ang rason niya malabo na daw ang mata niya kaya nagpalipat siya sa harap.

Pero alam ko naman na iniiwasan niya ako kaya niya nagawa yun.  Nung kinaumagahan after namin magkita nina Ash, pinuntahan ko agad siya sa bahay nila pero sabi sa akin nina Mommy niya, umalis daw siya at pumunta sa mga pinsan niya. Akala nga daw nila kasama ako.

Dumaan ang sabado at linggo na hindi ko siya nakausap. Hanggang sa mag lunes. Sinundo ko siya sa bahay nila gaya ng nakagawian ko pero pagdating ko doon sabi ng Mom niya tulog pa siya at mauna na lang daw ako. Doon pa lang alam ko nang iniiwasan niya ako. Pero hinintay ko pa din siya sa may kanto nila pero hindi ko siya nakitang dumaan hanggang sa malapit na akong ma late. Laking gulat ko na lang nung makita ko siyang mas nauna pa sa akin sa school.  Baka sa kabilang way siya dumaan kanina.

At gagawin niya talaga ang lahat para maiwasan lang ako.

And true enough, todo iwas siya sa akin sa school. Pero hindi ako pinanghihinaan ng loob. Kung determinado siyang iwasan ako, mas determinado akong makapag usap kami at mapatawad niya ako.

Pero hindi ganun pala kadali yun.  Kasi hindi man lang niya tinatago ang pag iwas niya. Tuwing lumalapit ako sa kanya, umaalis siya bago ako makalapit.  Kung hindi man siya makaiwas, iniignore niya ako.

Ganun ko ba siya nasaktan at kaya niya akong baliwalain ng ganito?

Hinayaan ko siya ng dalawang araw. Hinayaan ko siyang mag isip. Pero sa mga araw na yun, pigil na pigil ko ang sarili kong lapitan siya. Naisip ko kasi na kailangan niya ng time.  Na baka pag hinayaan ko siya, medyo mabawasan ang galit niya sa akin. Pero hindi nangyari yun. Dahil habang tumatagal, nararamdaman ko ang paglayo niya sa akin.

At inaamin ko, nasasaktan ako. Masakit isipin na kaya niya pala akong tiisin. Takte, ang bading lang pero naiiyak ako.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon