7 Baby.....

80.3K 1.6K 198
                                    

7

"Baby, bilhan mo naman ako ng tubig please...." Bigla na lang akong pinuntahan ni Claire sa table namin sa canteen at nanghingi ng tubig. Hindi ba siya pwedeng bumili ng sarili niya? Tsk tsk! Ibbreak ko siya mamaya. Ang gastos eh! Kairita lang!

I heard Mike chuckle at sina Ivan, pinipigilan ang mapatawa. Andito kami ngayon sa canteen at kasama ko din sila.

"Baby...baby......ohhhhh" Sabay kanta ni Mike ng kanta ni Justin Bieber. Ang bading lang. Langya. Sarap batukan.

Para matigil na sila sa pang aasar, tumayo na ako at pumunta sa bilihan ng tubig. Pero si Claire, hindi sumunod sa akin. I saw her sit sa upuan ko. Grabe! Sa lahat ng gf ko siya ang may pinakamalakas ang loob. Siya ang pinakafeeling. Siya ang sobrang feeling close sa barkada ko.

Nagtataka ba kayo kung bakit  di  nila alam na gf ko sila? Kasi hindi ko naman sila pinakikilala as gf. Kaya kahit pa ipagkalat nila an gf ko sila. Walang maniniwala. Bwahahahaha. Tsaka hindi naman ako ang nanligaw sa kanila. Sila naman ang lumalapit at kesyo ba hinalikan mo sila kayo na agad? Yun kasia ng assumption nila eh. Iba na talaga pag pogi.

Bumalik na ako sa table namin and handed Claire her bottled water.

"Thank you baby!" She smiled at me sweetly. Ngumiti lang din ako then I heard na nagchuckle  sila Ivan at nagsikuhan. Mga bwisit talaga. Ampucha!

"Hi Charm!" ANg lakas ng pagkakasabi nun ni Mike! Dinig buong canteen na para bang ngayon lang niya nakita si Charm samantalang magkatabi naman sila kanina sa upuan. Alam ko din na inaasar niya ako. May totoong hinala kasi yang sina Ivan at Mike na type ko si Charm. Sa kanila ko kasi nasabi nung hindi ako pinapansin ni Charm.

Napalingon naman ako kung saan nakatingin si Mike at andun nga si Charm kasama yung iba niyang mga kaibigan. Nakatingin sila sa amin. Kanina pa kaya sila dyan? Nakita niya kaya si Claire?

Ay malamang nakita niya, hindi naman invisible si Claire. At bakit ba ako biglang kinabahan? Lalo na nung magsalubong ang tingin namin. Kahit walang expression yung mukha niya at blangko lang ang tingin niya, kinabahan pa din ako. Yung kaba na parang nahuli na may masamang ginawa. Yung kabang may kasamang guilt. Yung kabang parang nahuli ako na nagtataksil. Taksil talaga! 

Ampupu! Bakit ito ang nararamdaman ko.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon