48. Ano nga ulit ang sinabi mo?

41.4K 750 40
                                    

48.  

Ilang minutes siyang hindi nakapagsalita. Ngingiti ngiti lang ako.

“Baka may makakita sayo.” Sabi ko pa. She pouted at humiga na talaga sa backseat. Tumawa ako ng mahina.  Nakikita ko siyang sinasabunutan ang sarili niya sa backseat. Itinapon na din niya ang veil niya.

“Lumipat ka na dito sa front seat. Nagmumukha akong driver mo.” Sabi ko nung wala siyang planong tumayo mula sa pagkakahiga niya sa upuan.

“Baka may sumusunod.” Tumayo siya kunti at sumilip para tingnan kung may nakasunod nga sa amin.

“Kanina pa wala. Kaya nga hindi ko agad pinaandar kanina ang sasakyan para hindi halatang kasabwat ako sa pagtakas mo.”

“Ibig sabihin kanina mo pa ako niloloko?” Napaupo na talaga siya bigla sa backseat. “I hate you!” Pulang pula ang mukha niya dahil sa hiya. Tumawa lang ako ng malakas.

“Hindi yun ang narinig ko kanina. Ano  nga ba yun?” Tiningnan niya ko ng masama at sinimangutan.

“Tumahimik ka nga!” At walang ka poise poise na lumipat mula sa backseat papuntang front seat kahit umaandar kami. Napapalatak na alng ako sa ginawa niya. Partida, naka wedding gown pa yan ha. Nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, inismiran niya ako. Napatawa naman ako.

Nung tiningnan ko siya, nakapikit siya at doon ko lang nakita na parang pagod na pagod niya. Hindi ko na siya ginulo hanggang sa mapansin kong nakatulog na siya. Buong byahe siyang tulog hanggang sa makarating kami sa resort namin sa Batangas. Hindi pa din siya nagising kaya hinayaan ko na lang siya munang matulog.

Pinapanood ko lang siyang matulog and I found contentment just by watching her sleep. Maya maya pa bumaba na ako para sabihan ang katiwala naming na ayusin ang kwarto ko at ang guestroom namin. Gusto ko na sana siyang buhatin pero natatakot naman akong baka magising siya. 

After kong masabihan ang caretaker, bumalik na ako sa beach front kung saan  ko malapit pinark ang kotse. Nakatayo lang ako habang tinatanaw ang dagat at hindi ko mapigilang ngumiti. Ang tagal bago ako nakangiti ng ganito.

“Sa kotse mo lang pala ako nakasakay pinagloloko mo pa ako!” Napalingon ako nung marinig ko ang boses niya. Natayo siya sa likuran ko at nakasimangot pa din. Napangiti ako lalo.

“Pinahiya mo pa ako sa sarili ko dahil kung ano ano pa ang ikinuwento ko. Gustong gusto mo akong pinaglalaruan. Gustong gusto mong pinagtitripan ako.” Naglakad siya palapit sa akin at nung napansin niyang nababaon ang sapatos niya sa buhangin, iniwan na lang niya ito basta basta at nagyapak.

“Ohh..Nadudumihan  ang gown mo.” Biro ko pa kasi ang haba naman ng train ng gown niya at ni hindi niya inaangat. Nadadala tuloy ang ibang sand.

“Wala akong pakialam.  I hate you!” Bulalas niya nung magkalapit na kami. Napakamot na lang ako ng ulo.  

“You hate me? Sigurado ka? Baka nakakalimutan mo, kung hindi dahil sa akin, nasa reception ka na ngayon ng kasal mo. O baka naman naghahoneymoon na kayo ni Lucky.” Napangiwi siya dahil sa sinabi ko. Kahit ako, ayaw ko isipin ang eksenang yun. Pero gsto ko lang siyang asarin. In fact, gusto ko lang siyang paaminin kahit ban a narinig ko na ang lahat sa kanay kanina.  

“Bakit sa lahat ng kotse na andun,  sa kotse mo pa ako napadpad? Bwisit!”

“Aba malay ko.  Gusto mo ibalik kita doon para makapili ka ng ibang kotse para gawin mong getaway car? Ikaw pa ngayon ang may ganang mag I hate you. Akala mo gusto kong maging kasangkapan mo para makatakas ka?” Tiningnan niya ako ng masama. As in masamang masama. Na pag siguro ginaw ako ang sinabi ko, papatayin na alng niya ako.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo sa simbahan na yun sa araw ng kasal ko? Nanood ka ba?” Hmmm…. Fishing si Miss Ming.

“Hindi ah! Nagkukumpisal ako kaya ako andun. At ikaw bakit mo nga ulit tinakbuhan ang ang kasal mo? Ano nga ulit ang sinabi mo sa sasakyan?” Bigla na lang siyang namula at yumuko. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pag irap niya. Napatawa na lang ako. A loud and hearty laugh which I haven’t done for a long time.

“Bwisit!” I heard her mutter at tumalikod pabaik sa kotse.

“ Teka Charm! Saglit lang. Magkwento ka naman muna!”

Hinabol ko na.

Asar na eh.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon