9. Give me a chance

77.3K 1.3K 137
                                    

To Jiezel dahil hindi agad siya nakaligo dahil sa pagbasa nito. Natawa ako sis. Thanks a lot po.

Chapter 9

Tumatak talaga ang suntok, este ang sinabi ni Charm sa akin. Mahirap man makipagbrak sa mga C ko pero ginawa ko. Ayaw ko nang masuntok. Ayaw ko nang mahampas ng drumstick

At mas lalong ayaw kong hindi niya ako pinapansin.

Aminin ko man o hindi pero ang lakas ng tama ko sa kanya. Pati ako hindi ko maipaliwanag. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Dati kasi baliwala lang naman siya sa akin. One of the boys nga siya di ba? Pero hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang eh, palagi ko na siyang iniisip, ayaw kong nagagalit siya sa akin. Hindi ko alam kung kelan nagsimula.

Ang alam ko lang, ayaw ko nang matapos to.

Ang corny ko. Bwisit. Dati nga iniisip ko pa na baka ginayuma niya ako pero wala naman akong naisip na pinakain niya sa akin. ANg damot kaya nung babaeng yun. Pag kumakain kami, hindi siya bumibili, nanghihingi lang siya.

Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla bigla na alng eh gusto ko siya palaging nakikita. Na cute na cute ako sa kanya. Gusto ko siyang palaging nakikita pero ayaw ko siyang makitang may ibang kasamang lalaki.

Hindi naman ako tanga para hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Sa dami ba ng mga naging gf ko hindi ko pa malaman ang mga ganitong bagay.

Yung sa iba alam kung atraksiyon, pero yung kay Charm kasi kakaiba eh. Mas intense. It's as if I've been Charmed.

Ang dami ko na ngang kakornihan na ginawa eh. Katulad na lang ngayon, hinhintay ko siyang dumating eh alam na alam ko naman na palagi siyang late. Pero wala akong pakialam kung malate din ako.

Then nakita ko siyang bumaba ng kotse nila. Late na siya ng 5 minutes. Meaning late na din ako.

"Sam!" Humahangos pa siyang lumapit sa akin. "Hindi pa ako late?"Tapos tumingin pa siya sa relo niya.

"Late  ka na." Tumayo na ako sa tabi niya at kinuha ang bag niya. Nagktaka man siya pero binigya pa rin niya sa akin.

"Eh bakit nasa labas ka pa ng room?"

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon