47. This is goodbye

41.1K 846 110
                                    

47.

Pagkadating ko sa kotse doon ko na lang hinayaang tumulo ang mga luha ko. Pucha! Pero ang sakit sakit talaga. Kung dati kahit papaano, umaasa pa ako na magbago ang isip niya. Na umatras siya sa engagement at sa kasal, ngayon, parang naglaho ang mundo ko. Ang pag asa ko.

Napasuntok ako sa manibela at doon isinubson ang ulo ko. Hinayaan kong humikbi ako kasi alam kong wala namang nakakarinig sa iyak ko.  Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak sa loob ng kotse. Gusto ko na ngang umalis pero ayaw ko namang magdrive na ganito ang estado ko. Baka mabangga ulit ako and this time mapuruhan na. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Tama na ang ilang taong na minahal ko siya. Dapat tanggapin ko na ang katotohanan na ibang tao na ang nagmamay ari sa kanya. At  sa paglabas ko kanina sa simbahan yun ang simbolo na hahayaan ko na siya sa buhay niya.

Siguro naman hindi ako nagkulang sa kanya. Minahal ko naman siya ng buong puso at ibinigay ko ang lahat ng kaya kong ibigay sa kanya. Ginawa ko ang lahat ng kaya kong gawin pero talagang hindi ata kami para sa isa’t isa. Hindi lang ata parang, talagang hindi kami para sa isa’t isa. Walang pag aalinlangan. Kasi kung para kami sa isa’t isa bakit sa ibang lalaki siya ikinakasal ngayon?

Pinunasan ko na ang luha sa mga mata ko at umayos na ako ng upo.

This is goodbye Charm. I wish all the happiness. Kahit malungkot ako, gusto kong maging masaya ka pa din.

Papaandarin ko na sana ang kotse nung may biglang magbukas ng backseat at biglang sumakay.  Sisitahin ko na sana dahil akala ko carnaper nung mapansin kong nakawedding gown ang sumakay.  Ilang beses kong tiningnan sa overhead mirror para makasiguro na totoo ang nakikita ko.

Nakasubsob siya sa backseat sa may paanan banda. Pinagkasya niya ang sarili niya para atang walang makakita sa kanya.

Parang nawala ang lahat ng hinanakit ko pagkakita ko sa kanya. Hindi ko alam pero gusto kong matawa.

“Miss! Nagkamali ka ata ng kotseng sinakyan. Hindi ito ang bridal car.” Pinipigilan ko ang sarili kong lumipat asa backseat at yakapin siya. 

“Kuya please…Ayaw kong magpakasal. Hindi ko kaya.  Please…itakas mo ako dito.” Sabi pa niya na nanginginig ang boses.

Pinaandar ko na ang kotse at nagsimulang magdrive palayo sa lugar na yun. Hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi ko. Wala akong pagsidlan ng tuwang nararamdam ko. She doesn’t want to marry Lucky. She run away from her own wedding. Ako man ang dahilan ng pagtakas niya, wala na akong pakialam. Basta masaya ako na nakaya niyang panindigan ang kagustuhan niya.

“Thank you po talaga Kuya.” Humihikbi siya habang sinasabi niya yun. Gusto ko siyang patahanin pero hindi ko alam kung ano ang nag udyok sa akin para hayaan lang siya sa sitwasyon niya. I was so overwhelmed at amused at her at the same time.

Siya nga si Charm. She’s different and unique. She’s spirited and brave.

“Sumusunod pa ba sila Kuya?” Maya maya ay tanong niya. Ni hindi man lang niya naisip na umupo sa backseat. Nakasubsob pa din siya sa likod.  

“Oo Miss. Alam ata nila na dito ka sumakay. Naku papaano yan? Pati ako madadamay sa gulo na ginawa mo? Tinakasan mo ata ang kasal mo eh.”  

“Pasensiya na po talaga Kuya. Pwede po bang  pakibilisan po?” Kung kanina humihikbi siya, ngayon sumisinghot na lang.

“Saan ka ba pupunta? Ihahatid na alng kita doon?” Sabi ko pa.   

“Kahit saan po basta ilayo mo lang ako. Ayaw kong makasal!”

“Bakit ba kasi tinakasan mo ang kasal mo? Mukhang mayaman naman ang mapapangasawa mo basi na din sa dami ng sasakyan sa simbahan at sa gara ng kasal niyo.” Gusto ko ding malaman kung ano ang nag udyok sa kanya na umatras sa kasal niya.

“Hindi naman po sa yaman yan Kuya. Hindi ko po kasi siya mahal. May mahal po akong iba. Ang tagal ko po siyang tiniis. Isinakripisyo ko po ang nararamdaman namin sa isa’t isa kasi mahal ko ang mga magulang ko at ayaw ko silang saktan. Sinunod ko ang lahat ng gusto  nila kasi akala ko dahil magulang ko sila alam nila ang mas nakakabuti sa akin. Ayaw kop o silang suwayin kaya kahit nasasaktan na ako sinunod ko pa din sila. Kahit sobrang nagalit po ang lalaking mahal ko tiniis ko kasi magulang ko sila. Pero kanina… sa simbahan…hindi ko pala kaya.” Umiyak na ulit siya. Naawa ako pero ayaw ko siyang pigilan. I wanted to know the truth. I wanted to know what she feels. I wanted to know if I am still important to her. If she still love me the way that I love her.

“Hindi ko pala kayang hayaang habang buhay diktahan nila ang buhay ko.  Hindi kop o kayang maging malungkot habang buhay. And for once, I wanted to do the right thing. I wanted to stand up for myself, for my feelings and for the guy that I truly love.” Yung hikbi niya kanina, naging hagulgol na. Pati ako hindi ko din napigilang umiyak.

Charm… kung alam mo lang. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon. Alam kong masama kasi marami ang nasasaktan dahil sa ginawa mo, pero hindi ko mapigilan ang kasiyahan sa puso ko.

Hinayaan ko lang siyang umiyak ng ilang saglit.

“Sumusunod pa din Kuya?” Maya maya ay tanong ulit niya.

“Oo eh, alam ata talaga na dito ka nakasakay.”  I nearly chuckled at my reply.

“Bakit kasi kuya hindi tinted ang kotse mo? Tsaka bakit ganyan ang boses mo. Paos.” At talagang nanlait pa. Pambihira!  Paano kung ibang tao ako? Lalaitin na lang niya ang kotse at ang boses ng ganun ganun? Sasama na lang siya agad agad?

Gusto ko siyang pagsabihan kaso masyado pa akong nag eenjoy sa ginagawa ko. Bahala na mamaya kung ano ang gagawin niya.

“Bago eh. Tsaka para sa isang runaway bride, ang daldal mo. Pero Miss inistorbo mo ang lakad ko. Importante yun.”

“Babayaran kita Kuya.” Buong loob na sinabi niya. Napapangiti na lang ako at pinipigilan ko ang tumawa ng malakas.

“Mahal ako maningil Miss. Mahal na ngayon ang gasolina.” Dagdag ko pa. Baka nga pag nalaman niya kung sino ako, baka buhusan niya ako ng gasoline at sunugin ng buhay.

“Sayo  na tong engagement ring ko Kuya. Mahal to. Totoong diamond to Kuya may emerald pa sa gitna.” Sabi pa niya at nung sinulyapan ko siya inaalis na niya ang singsing sa kamay niya.

“Miss mas gusto ko ata ang singsing na nakasabit sa necklace mo.” Patay malisyang sabi ko.

“Paanong…” Tapos napaupo siya bigla sa backseat at napatingin sa akin. Ang laki ng ngisi ko lalo na nung Makita ko ang nanlalaki niyang mga mata.

“Samuel!”

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon