5. Seryoso ako!

84K 1.4K 87
                                    

Dedicated sa kanya kasi gusto ko ang comment niya.

5. Seryoso ako!

Pagkasabi ni Mike na andun si Charm sa auditorium agad akong tumakbo papunta doon. Hingal kabayo pa ako nung makarating ako sa harap ng Auditorium. Ang layo kaya noon. Whew!

Bubuksan ko na sana ang pinto nung bigla akong natigilan.

Tae!

Ano ang sasabihin ko sa kanya? Nabitawan ko ang doorknob! Nenenerbiyos na naman ako. Langya!

Huminga ako ng malalim at kinalma ang nagwawalang katawang lupa ko. Sabay na din praktis sa isip ko ng sasabihin ko.

Pwede kayang sabihin kong...

Charm sorry, natetempt kasi ako palaging halikan ka. Ang cute kasi ng lips ko. Takte! ANg panget, magmumukha akong manyak. Baka hampasin niya ako ng upuan. Tsk tsk.

Bahala na nga si Author, mukha naman siyang si Batman. Katamad mag isip eh.

Hinawakan ko na ulit ang knob ng auditoriom and slowly opened it. Kunting bukas ko pa lang naririnig ko na ang lakas ng hampas sa drums.

I peeked inside and I saw  Charm playing the drums. Marunong siyang mag drums? AT ang galing pa niya.

Umupo ako sa isang upuan malapit sa pinto and watched her. Hindi niya ako nakikita kasi nasa stage siya at nakatagilid sa audience area at nakaharap sa drums.

Grabe, may talent palang tinatago itong si Charm. Tuwang tuwa ako sa panonood sa kanya nung bigla siyang tumigil sa pagtugtog ng drums.

Tapos nakita ko siyang unti unting lumingon sa gawi ko.  Then her eyes narrowed when she saw me.

Tatalikod na sana siya papuntang backstage when I called her. Tumakbo ako papuntang stage para maabutan siya.

"Charm!" Tumigil siya sa paglalakad Tapos lumingon sa akin. Nakakunot ang noo.

"Pwe-de ba tayong...mag---usap?" I stammered. Ayan na naman ang kaba ko.

"Tungkol saan?" Seryosong tanong niya sa akin. Ni hindi man lang siya ngumingiti. Galit nga siya di ba?

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon