44. Akala ko nga din

40K 669 44
                                    

44.

May mga desisyon tayo sa buhay na kahit matagal na nating ginawa, paulit ulit na nagrereplay sa isip natin and the questions of what might have been kept haunting us. Paano kong iba ang isinagot ko? Ano kaya ang mangyayari sa amin? Are we what we are right now kung iba ang naging sagot ko sa sinabi niya? Magiging masaya kaya kami? Minsan pinipilit ko na lang na iignore pag inaatake ako ng doubt. Pero may mga panahon talaga na hindi maiiwasan lalo na kapag nakikita ko siya. Oo masakit ang naging desisyon ko pero nung mga panahon na yun, yun ang tingin ko ang tama. Kahit na hindi ko naman talaga ikinasiya ang desisyon na yun. Kahit na ang desisyon na yun ay nagdulot sa akin ng sakit. Yet, it was my decision at kailangan kong panindigan. Dahil alam kong yun ang tama.

At ngayon nga, dahil sa desisyon na yun, mag iisang taon na kaming di nagpapansinan ni Charm. Oo, mag iisang taon na. Malapit na kaming mag graduate sa college. Ganun kabilis ang panahon.  Ganun katagal na akong minumulto ng naging desisyon ko.

Nung araw na yun, I was tempted. No, I was very tempted to say yes. Na pumayag sa sinabi niyang maging isa sa mga babae ko. Sino ba naman ako para tumanggi? Ang tagal kong hinintay yun. Na piliin niya ako. Pero pinili nga ba niya ako ng mga panahon na yun? Hindi rin, dahil alam kong pansamantala lang ang offer niya. At the end of the day, si Lucky pa din ang papakasalan niya at hindi ako.

At ang hirap tanggihan ng sinabi niya especially when I saw how hopeless she is, how grief-stricken. At mas masakit nung makita ko ang mukha niya nung marinig niya ang sagot ko sa sinabi niya.

“No Charm, you will never be like them.”  Hindi dahil sa hindi siya karapt dapat sa akin, kundi dahil kahit kailan hindi siya matutulad sa mga babaeng  masasabi nating pampalipas oras or much worse pampaalis init lang. She would never be like them.

Nung mga panahon na yun, nung makta ko ang expression sa mukha niya, gustong gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gustong gusto kong pumayag sa sinabi niya. Pero naisip ko, kaya ko bang gawin yun kay Charm? At tumatanggi ang buong pagkatao ko. I can’t do to her what I did to the other girls.

Iniwan ko siyang umiiyak sa room na yun. Dahil baka pag hindi pa ako umalis, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at pumayag ako. At dahil doon ito ngayon ang kinahinatnan. Strangers kami sa isa’t isa. Hindi ko alam kung magbabago pa ba ang sitwasyon namin.

Kaya iniisip ko, kung pumayag ba ako dati, mag iiba ba ang pakikitungo namin? Or baka magiging katulad din siya ng mga naging flings ko na pag inayawan ko na, halos isumpa na ako.

Bumuntong hininga na lang ako. Ba’t ba ako, nag eemo ngayon? Dahil ba nakita ko siya kanina? Dahil ba nakita kong tumatawa siya kasama ng fiancee niya? Eh ano naman ngayon? Naiinggit ako? Kaya bumabalik ako sa dati dahil iniisip ko na siguro kung pumayag ako dati , ako ngayon ang kasama niya.  Ang pathetic mo Samuel Heindrick.

“Aattend ka ba?” narinig kong tanong ng isang kaklase naming babae sa kasamahan niyang kaklase din namin.

“Hindi ko nga alam. Biglaan naman  kasi. Akalain mo, the next day after graduation? Hindi naman sila atat niyan?” Sagot naman ng isa. May hawak silang dalawa na parang invitation.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikagulat ang nakasulat sa invitation.

Yu-Ming Nuptial.

Dapat hindi na ako naapektuhan ng ganito. Ang tagal tagal na eh. Dapat nakamove on na ako. Dapat nakarecover na ako. Pero bakit ganun? Bakit sobrang apektado pa din ako? Alam ko naman na ikakasal na sila di ba? Matagal ko ng alam. Matagal ko ng tinanggap na hindi talaga kami para sa isa’t isa. Pero bakit masakit pa din? Bakit naapektuhan pa din ako?

Agad akong tumalikod at nagmamadaling maglakad palabas ng room. Halos hindi ko napansin si Mike na muntik ko ng mabangga.

“Oi Tol! Nagmamadali ka ata ngayon? May pupuntahan ka?” Pero hindi ko pinansin si Mike. Nag iinit ang mukha ko. Pakiramdam ko, hindi tatagal iiyak ako. Pucha!

“Tol!” Sumusunod na si Mike sa akin. Ako dire-diretso lang papuntang parking. Hindi na ako nagtaka nung pagsakay ko sa kotse, nakasakay na din si Mike. Hindi na siya nagtanong kung ano ang problema ko. Nakikita naman niya siguro sa mukha ko.

“Dadamayan kita sa problema mo tol, pero utang na loob, ayaw ko pang mamatay kaya ayusin mo muna ang pagdadrive mo.”  Yan lang ang sinabi niya nung napansin niyang halos ibangga ko na ang kotse. Doon medyo natauhan ako kaya inayos ko ang pagdadrive ko.

Nakarating kami sa condo ko na binigay sa akin nila Mommy nung nag 20 ako.  Pero bago umakyat, dumaan muna kami sa convenience store ni Mike  at bumuli ako ng maiinom.

“Mukhang mapapasubo ako.” Sabi pa niya pero tinulungan na din niya akong magbitbit ng mga pinamili namin.

“Anong problema mo at kailangan nating magcelebrate?” Tanong ni Mike sa akin habang  binubuksan ang isang bote.

“Ikakasal na siya.” Uminom ako mula sa bote. Wala ng baso baso.  Tumango tango lang si Mike na parang naiintindihan na kuyng sino ang tinutukoy ko.

“Kakatanggap ko nga lang ng invitation Akala ko ba wala na sayo?” Tumayo siya at kumuha ng yelo at baso. 

“Pucha! Akala ko nga din wala eh. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi masaktan. Akala ko tanggap ko na pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako kaapektado eh matagal ko naman ng alam.” Inom ulit.

“Grabe talaga ang tama mo kay Charm tol. Yan na ata ang tinatawag na true love. Nakakatakot pala. Nakakalasing.” Sabay lagok ng inumin niya na nasa baso. Uminom din  ako. Kung ano ano pa ang napag usapan namin  hanggang sa makatulog si Mike dahil sa kalasingan. Ako,  parang hindi tinatablan ng alak.  Nung maubos na ang lahat ng binili namin, bibili pa sana ako pero naisipan kong sa labas na lang ituloy.

Pumunta akong parking at sumakay ng kotse ko. Gusto kong malasing hangga’t sa wala na akong maramdaman. Hanggang sa makatulog ako. Bahala na bukas pero sa ngayon, gusto kong mawala ang sakit.

Palabas na ako ng parking ng condo nung makarinig ako ng busina. Napatingin ako sa kaliwa and I was blinded by the light of the incoming vehicle. 

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon