41. Huli na talaga to.

44.3K 823 88
                                    

Thank you so much fpr the wonderful story. 

A/N: I shouldn't have updated if not for my obsession with Baka Sakali of Jonaxx. First time kong naadik sa isang story that I wanted the update on an hourly basis. Ganun pala ang feeling ng naghihintay ng kasunod. Ng nabibitin. Now, I understand.  

Yet, kahit ganun ang feeling ko, hinding hindi ako magdedemand sa kanya na iupdate yun palagi. Hinding hindi ko siya uutusan na iupdate yun because it's her prerogative as a writer. At alam ko kung gaano kahirap mag isip ng plot at magtype. Naintindihan ko na isa lamang akong hamak na reader ng story niya and the hardest thing that I could do is to be patient and to wait.  And give comments from time to time. That's not very hard isn't it? Compared to the time and effort she's exerting para may mabasa ako. Hindi pa kasama dun ang puyat.  Para mag enjoy ako. Para ma arouse ang emotions ko dahil sa magaling niyang pagkakasulat.

I respect her so much as a writer that I wouldn't subject her to the pressure of asking for updates to the point of rudeness as if I am paying her to write. She doesn't deserve it and I wouldnt dare demand from her. I guess as a sign of appreciation for her works,  the things that I could give her being her reader and her fan are ADMIRATION and most of all RESPECT. 

Yes, you owe her big time dahil sa kanya naisipan kong iupdate pa ito. 

Starting tomorrow, when I update Chapter 42, an hourly update will be posted until the Epilogue of this story. 

41.

Pinagsisihan ko ang araw na yun. Alam kong hindi ko napigilana ng emosyon ko at nakapagsalita ako ng masama sa kanya. I wanted to say sorry pero hindi na ako nabigyan ng pagkakataon. Simula nung araw na yun, hindi na siya pumasok sa school maliban nung exam.  Pero siya pala ang tumapos ng project namin. Kinuha kasi sa akin ng ibang kasamahan namin at ipinasa naman sa deadline. Huli ko na nalaman na si Charm pala ang nagtapos. Nabanggit lang minsan ng kagrupo namin bago natapos ang semester.

Hindi ko na din siya matawagan sa cellphone niya at wala na ding sumasagot sa bahay nila at sa tingin ko wala namang tao kasi nung minsang pumunta ako, walang nagbubukas.

Nung summer, nagpunta kaming Hawaii para magbakasyon kaya kahit papaano naaliw ako. Pero hindi maiiwasan na hindi ko siya maalala at tuwing maalala ko yun, hindi ko maiwasang malungkot na alam kong napapansin nila Mommy. Kaya wala akong nagawa kundi ikwento sa kanila ang nangyari sa amin ni Charm. Tinanong pa nga nila ako kung gusto ko daw ba lumipat ng school pero tumanggi ako. Kasi hindi ko naman na sure kung babalik pa ulit doon si Charm.

Umuwi na lang kami ng Pilipinas nung enrollment na. Third year college na ako. Parang ang bilis ng panahon. At hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang mga panahon na iyon.          

Dumating ang first day of school at hindi ko itinatanggi na hinahanap siya ng mga mata ko. Na nageexpect ako na makita ko siya ulit. I am not denying the fact that I missed her. Kahit siguro, ano pa ang gawing kong pag suppress ng nararamdaman ko sa kanya, hindi ko pa rin maipagkakaila sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. Parang nakakagago nga eh. Siguro nga kinakarma na talaga ako dahil sa mga nagawa ko dati dahil ang nag iisang babaeng pinakagusto ko, hindi pwedeng maging akin. Ang saklap at ang sakit pero ano pa nga ba ang magagawa ko?

“Charm, anong oras matatapos ang klase mo? Susunduin kita dito.” Bigla akong napalingon sa nagsalita. Automatic ang naging reaksiyon which I wish na hindi sana ganun kasi nasaktan lang ako sa nakita ko.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon