27. Ano? Hahabulin mo siya?

53.7K 887 191
                                    

27.

Hinabol ko si Chelsea kasi alam kong galit siya. Naabutan ko siya sa may corridor.

“Chels…” Hinawakan ko ang braso niya pero iwinaksi lang niya ang kamay ko at tuloy sa paglakad ng mabilis. Sumusunod naman ako sa kanya.

“Chels!” Nakarating kami sa likod ng gym malapit sa locker area. Mabuti na alng at walang masyadong tao.

“Bitiwan mo ako Heinz!” She shouted a tme. At first time niyang nagalit sa akin ng ganito.

“Chelsea… “ Tumigil siya at humarap sa akin. Namumula ang pisngi niya at ang sama ng tingin niya sa akin. Naguilty ako dahil sa klase ng tingin niya sa akin.

“Tell me Heinz, kaano ano mo si Charm?” Her voice is full of remorse at parang naiiyak na din siya.

“C’mon Chels..” I tried to hold her hand pero nilayo lang niya sa akin tapos tiningnan niya ako ng masama.

“Sa tingin mo ganyan ako kabulag Heinz? So really think na hindi ko napapansin? Sa tingin mo hindi ko nararamdaman na mas concerned ka pa kay Charm kaysa sa akin? You bought her favorite food without asking her samantalang ako, kailangan mo pang tanungin ang gusto ko. Mas nauna mo pa siyang tinanong kung nagugutom siya kaysa sa akin! Do you really think that I am that fool not to notice? Sa tingin mo hindi ko napapansin na pag nagsama sama ang barkada at pag nakita mong hindi pa dumating si Charm siya agad ang hinahanap mo? At hindi ako bulag para hindi makita ang klase ng tingin mo sa kanya. The way you look at her when she’s not looking at you. Kaya wag mo akong gawing tanga. Napuno na ako sayo. Ngayon, sagutin mo ako! Sino si Charm sa buhay mo?” She is fuming mad at hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam na ganun na ako ka obvious, parang natural lang kasi ang ginagawa ko.

“Chels, let me explain.”

“Just answer me Heinz! Sino si Charm sa buhay mo?” She is already shouting at yung mga estudyanteng pumapasok sa locker room nanonood na sa amin. Ayokong gumawa ng eksena, nakakahiya. Tang inang buhay to.

“Pwede ba nating pag usapan natin to sa ibang lugar?” Mahina kong sabi sa kanya. Trying to be calm kahit ang lakas na ng kaba ng dibdib ko. Parang nahuli akong nagtataksil pero hindi naman ako nagtaksil. Cheating na ba ang matatawag sa ginawa ko? I’ve tried to stay away from her pero hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko na magalala sa kanya. And because of that, nagwawala ngayon si Chelsea. Ay pakshet talaga!

“No! Sabihin mo ngayon sa akin.” Huminga ako ng malalim. I guess I have no choice now, kundi sabihin sa kanya ang lahat. Pahamak kasi yang si Mike. Pero bakit ko sisisihin si Mike? Ako lahat ang gumawa ng mga actions na yun.

“Charm is my girlfriend way back in high school.” Mahinang sabi ko. At nakita ko ang unti unting pagtulo ng luha sa mga mata ni Chelsea. Fuck! I attempted to wipe her tears pero hinampas niya ang kamay ko tapos siya mismo ang nagpahid ng luha niya.

“And you didn’t tell me?” Puno ng hinanakit ang boses niya. Guilty na guilty ako.

“I didn’t want to create animosity between you two. It’s over between us and sa tingin ko wala ng dahilan pa para sabihin ko sayo ang naging relasyon namin. It’s not important Chelsea. You don’t have to be jealous of her.”  Pero umiling iling lang siya na parang sinasabi na hindi siya naniniwala. Tangna! Ang hirap ng mga babae.

“Siya ba ang kinukwento mo sa amin dati? Siya ba yung babaeng umalis nung high school ka?” Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Paksyet!

“It doesn’t matter Chelsea!” I felt irritated na kailangan pa niyang sabihin yun.

“It matters to me Heinz!”

“Yes.” And with that, tumulo ulit ang mga luha niya. Takte naman! Iiyak  kasi  hindi sinabi ang totoo, pag sinabi naman iiyak pa din. Ano na lang ang gagawin ko?

“So that explains everything.” She said bitterly.

“Tell me Heinz, do you still love Charm?” Natigilan ako sa tanong niya. Do I still love Charm? Without hesitation iisa lang ang sagot ng buong pagkatao ko. Yes. Pero hindi ko pwedeng sabihin kay Chelsea yun. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya. Not when a lot of people are listening to us.

“You are now my girlfriend.” Mahina kong sabi.

“Hindi yun ang sagot sa tanong ko!” Huminga ako ng malallim and hold her hand. This time, hindi siya umiwas. Hinayaan niyang hawakan ko ang mga kamay niya.

“No! Of course not. Hindi kita magiging girlfriend kung mahal ko pa si Charm. Kung ano man ang meron kami dati ni Charm, it’s over Chels, ikaw na ang gf ko ngayon and I love you.” And I hope na kakalma na siya dahil sa mga sinabi ko. Sana maniwala na siya.

“Charm! Andito ka lang pala!” Nagulat kami nung may sumigaw. Napalingon ako bigla.

Napatingin ako sa nagsalita. Isa sa mga babae naming classmates pero napatingin ako sa tinawag niya. And I saw Charm beside the locker area. Looking at us at ang lungkot ng mga mata niya.  Nagkatinginan kami at nakita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Narinig ba niya ang sinabi ko?

Shit!

Then nakita ko siyang tumalikod with a hunch shoulder. Mabilis siyang naglakad palayo sa amin habang nakayuko. All along nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. I’m torn between her and Chelsea.

“Ano hahabulin mo siya? Would you run after your ex girlfriend Heinz?” Sabi ni Chelsea. Hindi maipagkakaila ang banta sa boses niya. 

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon