32. I'm Sorry

48.9K 852 78
                                    

32.

Nahihirapan na ako sa sitwasyon. Ilang beses ko pang kinausap si Chelsea pero everytime na babanggitin ko ang tungkol sa break up, umaalis siya bigla kung magkaharap kami. Pag nasa phone naman, pinapatay niya agad at hidni nirereplayan ang mga messages ko. Ang masama pa nito, hindi rin ako kinakausap ni Charm.

Tuwing gusto ko siyang kausapin, ang tanong niya sa akin…

“Break na ba kayo ni Chelsea?” at pag sinabi kong ‘hindi’ sasabihin niyang makipagbreak daw muna ako. Alam kong may point siya na kailangan ko munang ayusin ang sa amin ni Chelsea pero ang hirap kausapin ni Chelsea. Ang hirap kausapin ng taong nagbibingi-bingihan. Takte namang buhay to!

Sumasakit na ang ulo ko.

Katulad na lang ngayon, magkaklase kami pero hindi niya ako pinapansin. Nasa harapan ko lang siya at kanina ko pa sinisipa ang upuan niya pero parang wala siyang napapansin. Nakakaasar. Ayaw na ayaw ko pa namang hindi niya ako pinapansin. At para akogn sinisilaban sa pwet pag galit siya sa akin. Nakakabanas!

Pasimple kong kinuha ang phone ko at nagtext.

‘Baby naman. Kausapin mo naman ako please.’  Tapos sinend ko sa kanya. Nakita kong tiningnan niya ang cellphone niya at naghintay ako ng ilang minuto para sa reply niya pero wala. Hanggang sa binalik niya ang phone niya sa bulsa niya. Sinipa ko ulit ang upuan niya.

“Sir! Pwede bang lumipat sa vacant seat? Umuuga kasi ang chair ko. Sira ata.” Napatingin na lang ako sa kanya. Pumayag naman ang prof.  Lalo akong nainis. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at nagtext.

‘Hindi mo ba talaga ako kakausapin?’  K

Hindi ako nageexpect na magrereply siya. Naisip ko kung ayaw niya akong kausapin, hahanap ako ng paraan pata kausapin niya ako. Kidnapin ko na alng kaya siya? Pero nag vibrate ang cellphone ko.

‘Break na ba kayo ni Chelsea?’ Yan ang reply niya. Nainis ako lalo. At mas lalo akong nainis nung paglabas ko ng room sinalubong ako ni Chelsea at agad na kumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Napatingin ako kay Charm at nakita kong nakatingin siya sa akin na parang anumang oras papatayin niya ako.

Tapos nagvibrate ang phone ko. Dalawang words.

‘Rooftop. Now.’ Galing yun kay Charm. Tumingin ako ulit sa kanya at nakita ko siyang paakyat na ng stairs. Hindi na ako nagpaalam na kay Chelsea. Tumakbo agad ako at sinundan si Charm.  Naabutan ko siyang nasa 5th floor at paakyat na sa rooftop.

“Baby...” Hindi siya nagsalita, diretso lang siya sa rooftop at pumunta sa may bandang dulo. Sa lugar na walang masyadong pumupunta.  Naupo siya sa may bench at tumayo lang ako sa harap niya.

“Charm, hindi ko alam na pupunta siya sa building.” Alam kong galit siya at alam ko na nagseselos siya pero hidni ko naman kontrolado ang gagawin ni chelsea. Sinasadya niya ata talagang pagselosin si Charm.

“May plano ka bang makipagbreak kay Chelsea?” Malamig na tonong tanong niya. Ito ang nakakatakot sa kanya. Pag kalmado siya. Naalala ko nung makipaghiwalay siya sa akin nung high school.  Napakakalmado din niya noon at nakakatakot pag ganyan siya kais ibig sabihin seryoso siya.

“Oo naman. Sinabi ko na sa kanya..”She cut me off.

“Kelan?” Sabi pa din niya pero nakatingin lang sa kamay niya at hindi sa akin.

“Baby...sinabi ko na sa kanya. Ayaw lang niyang pumayag, naaawa ako sa kanya kaya…”

“Kelan?” Sabi ulit niya.

“Kakausapin ko siya ulit. Promise..” Napatingin siya ulit sa akin. Namumula ang pisngi at ang mga mata niya.

“Wag kang magpromise Sam. Kaya mo bang makipagbreak sa kanya? At kung kaya mo, kelan?” Hindi ako makapagsalita.

“Kakausapin ko siya ulit.” Napayuko ako.

“Tinatanong kita kung kelan Samuel dahil dalawang linggo na akong naghihintay. Dalawang linggo na akong nagmumukhang kabit at dalawang linggo ka ng two timer. I may sound like a bitch forcing you to choose between us pero hindi p-pwede ang ganito. Hindi pwedeng girlfriend mo ako at girlfriend mo rin siya. Kung hindi mo kayang makipaghiwalay kay Chelsea, then fine. Let’s end this.” Nagulat ako sa sinabi niya.

“Charm! No! Hindi ako papayag. Just give me time, please. Makikipagbreak na talaga ako bukas. Hindi na ako maaawa. ” Kinakabahan talaga ako.  Paksyet! Tapos babalik siya ng China?  No way!

Tiningnan niya ako ng seryoso ng mga ilang minuto tapos tumayo at  walang sabi sabing hinampas ako ng bag niya. Narinig ko pa ang ‘pak’.

Ang sakit. Napahawak ako sa ulo kong natamaan ng knapsack.

“Pag bukas ng 7PM di pa kayo break, magkalimutan na tayo Samuel.” Aalis na sana siya nung hawakan ko ang knapsack niya.

“Ano ba ang laman ng bag mo at ang sakit? Dumugo ata ang ulo ko.” Sabi ko pa habang hinihimas ang ulo ko. Alam ko naman na hindi nasugat pero ayaw ko pang umalis siya. Ngayon nga lang nya ako kinausap tapos aalis siya agad?

“Ha?” Mukhang nagpanic naman agad siya. “Patingin.” Tapos lumapit siya sa akin at titingnan sana ang ulo kong natamaan ng bag niya pero niyakap ko siya.

“I’m sorry Charm.”  

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon