31. Dahil ba sa kanya?

50.3K 775 91
                                    

31.

Pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay tinawagan ko si Chelsea para magkita kami pero nasa labas daw siya kasama ang parents niya. Tinatanong niya ako kung bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag at text niya at sinabi kong may pinuntahan din kami ni Daddy at naiwan ang cellphone ko sa bahay na totoo naman dahil sadyang iniwan ko sa bahay ang phone ko.

Niyaya niya akong sumama sa kanila dahil pupunta sila ng Tagaytay kinabukasan but I refused. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya sa harap ng buong pamilya niya kaya pinili ko na lang na hindi sumama. Naisip ko na lang na sa Lunes ko na lang sasabihin sa kanya.  Kaya lumabas na lang kami ni charm nung Linggo. Paksyet! Feeling ko isa akong dakilang two timer. Ginagawa ko naman ito dati pero ngayon, kinakain na ako ng kunsensiya ko.

Nung nag Monday maaga kong sinundo ko si Charm sa bahay nila at sabay na kaming pumasok sa school kahit after Lunch pa ang pasok ko. May pasok kasi siya ng 7:30 and besides may pasok din si Chelsea ng ganung oras at tama lang na kausapin ko na siya pag break niya.

Nakakainis lang kasi tinotoo ata niya na hindi ko siya pwedeng hawakan at halikan hanggang hindi kami hiwalay ni Chelsea. Ayaw kasing magpaakbay habang naglalakad kami sa hallway papuntang classroom niya at ayaw din magpahawak ng kamay. Kaya kailangan talagang makipagbreak na ako kay Chelsea.

Pero ito namang si Chelsea, mukhang nananadya, hindi ba naman pumasok  nung umaga at hindi daw nakagising ng maaga pero sabay daw kaming mag lunch. Pumayag na ako kasi pagkakataon ko ng masabi sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung papaano ko sasabihin pero bahala na. Alangan naman na patagalin ko pa. Tinext ko na lang siya na magkita kami sa rooftop dadalhin ko na lang ang lunch. Ayaw kong sa cafeteria kami kumain.

Hinintay ko na lang matapos ang class ni Charm ng 10:30 tsaka na lang kami maglalunch. Bibilhan ko na lang mamaya si Chelsea.

“Oh! Anong ginagawa mo dito? Akala ko mag uusap kayo?” Nagulat pa siya nung lumabas siya ng room at nakita niyang naghihintay ako.

”Wala siya eh. Mamayang lunch kami mag uusap. Tara lunch na tayo. ” Sumabay ako sa paglalakad niya. Napaptingin ang ibang classmates niya sa amin at nakikita kong namumula ang pisngi niya.

“Akala ko maglalunch kayo mamaya?” Hindi siya makatingin sa akin habang sinasabi niya yun.

“Hindi. Dadalhan ko lang siya ng pagkain pero tayo ang sabay na maglalunch.” Hindi na siya nagsalita. Naglakad na lang siya papunta sa canteen. Putting distance between us. Naiintindihan ko naman siya sa ginagawa niya pero hindi ko lang maiwasan na mainis sa sitwasyon.

Nasa canteen na kami at pumipili na siya ng pagkain nung biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Nung lumingon ako, napamura ako sa isip. Bakit andito na si Chelsea? Akala ko ba lunchtime?

“Namiss mo ako ano? Text ka ng text eh. Nagworry ka ba na hindi ako pumasok?” Tapos hinalikan niya ako sa pisngi at kumapit sa braso ko. Takte! Napatingin ako kay Charm na agad namang binawi ang tingin sa amin paglingon ko sa kanya. Pero nakita ko pang parang naiiyak siya. Syet!

Tapos naglakad na siya papuntang cashier at nag order ng pagkain niya at binayaran. Nalintikan na! Pero siguro maintindihan naman niya di ba? Bahala na! Mag eexplain na lang ako mamaya pagkatapos naming mag usap ni Chelsea.

Hinarap ko na si Chelsea at nginitian tapos bumili kami ng pagkain at doon ko na siya niyayang kumain sa rooftop. Kinakabahan ako habang kumakain kami at hindi din maalis sa isip ko ang naging reaction ni Charm. Gusto ko siyang puntahan at kausapin. Baka nag iiyak na yun.

“Ang tahimik mo ngayon love.” Komento ni Chelsea. Tapos na siyang kumain at ako, ni hindi ko nakain ang binili ko. Ito na nga ata yun. Nakakanerbiyos. Takte! Hindi madali ang makipagbreak lalo na kung wala namang kasalanan ang hihiwalayan mo. Nakakakunsensiya.

“Chels.. may sasabihin ako sayo.” Napatingin siya bigla sa akin. Lalo akong kinabahan. Sumeryoso na din ang mukha niya siguro nakita niyang seryoso ang mukha ko. Hinintay niyang magsalita ako.

“Chels, I’m sorry, but…ayaw kong masaktan ka pero hindi ko maiwasan. I’m really sorry.” Takte! Ang hirap talaga sabihin nito. Pinagpapawisan ako kahit hindi naman mainit.

“Diretsahin mo ako.” Namumula na ang mga mata niya. 

“I want out.”  Napapikit ako nung makita kong tumulo ang mga luha niya. Langya naman!

“Dahil ba kay Charm?” Sabi niyang humihikbi. Yumuko ako.

“Dahil ba sa kanya?” Tumaas na ang boses niya. May lumingon na iilang estudyante na malapit lang sa amin. “Siya ba ang dahilan Heinz? Siya din ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako naalala simula Friday night hanggang buong araw ng Sabado at hindi ka makakasama sa Tagaytay nung Linggo?” Pinahid niya ang luha niya at ngumiti sa akin.

“Nakita ko kayo sa mall nung Saturday. Sa tingin niyo hindi ko nakita? Kaya ayaw ko ring makipagkita sayo kasi alam kong the moment na magkausap tayo yan ang una mong sasabihin. Dahil ba sa andito na siya kaya baliwala na lang ako?” Alam kong galit siya kahit na walang tigil ang luha niya.

“Hindi sa ganun Chels..”

“Mahal kita Heinz. Mahal na mahal kaya ginawa ko ang lahat mapansin mo lang ako. Nagpapakacheap ako at halos ako pa ang manligaw sayo para maging tayo. Tapos dahil bumalik lang ang babaeng yun, mawawa la ang lahat ng pinaghirapan ko!? Hindi! Hindi ako makakapayag Heinz.”

“Chelsea!” Ano na ngayon?

“Naging mabait naman akong girlfriend di ba?  At mahal mo naman ako di ba?” Panay ang pahid niya ng luha niya. Sa totoo lang naaawa na ako sa kanya. Pero ano ang magagawa ko.  Si Charm..ayy fuck!

“Please Heinz..please…wag kang makipaghiwalay sa akin. Hindi ko makakaya..please…” Tapos yumakap siya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko. Dumadami na din ang nanonood na parang nasa telenobela kami. Potek! Ayaw ko ng ganito eh.   Napabuntong hininga na lang ako.

Siguro kakausapin ko na lang siya ulit next time pag kumalma na siya.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon